Si Tandang Basio Macunat · M. Lucio y Bustamante

Chapter 3: Kabanata 3

Aco,i, umoui na; at nang dumating aco sa aquing tinutuluyang bahay, ay guinuguni-guni cong palagui, na cung ano caya ang napapalaman sa casulatang ipaquiquita sa aquing nang caquilala cong si tandang Basio.

Sari-sari ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong casulatan; at dahilan dito,i, uala acong catulog-tulog niyong magdamag na yaon.

Caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,i, sumicat na ang arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at macabasa nang inuulit cong casulatan. At, palibhasa,i, ang panahon ay ualang catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, ó masama man ang simoy nang hangin, ó ang singao nang lupa, ay dumating din ang oras, na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay.

Nang aco,i, dumating sa bahay nang matanda, ay nagrorosario pa silang mag-anac; caya aco,i, nag-antay, at umupo aco sa liputan nang bacuran, hangan sa natapos ang canilang pagdarasal.

Pagcatapos nang canilang dasal, ay sumungao si tandang Basio sa bintana, at pagcaquita sa aquin, ay sumigao nang gayon:

--¡Aba! ¡cayo, po, pala,i, naririyan! Cami, po,i, inyong patatauarin, at cayo, po,i, pinaantay namin diyan sa hamogan.

--Uala, pó, ang sagot co, uala, pó, acong sucat na ipatauad sa inyo, at uala, pó, cayong casalanan, sapagca,t, inaagapan co ang aquing pagparito.

--¿At comusta, pó, cayo? Cayo, pó, yata,i, naligo cangina sa bucal.

--Siya nga, pó, ang aquing sagot, doon aco,i, naligo canginang umaga, at namaril acong tuloy nang caunting oras sa manga tabing palayan.

Pagcatapos nitong aming pagbabatia,t, pagcocomustahan, ay pumanhic na aco sa canilang bahay, at capagcaraca,i, sumigao si tandang Basio nang gayon: ¡Silia! ¡Silia!... cunin mo yaong balutang natatabi sa loob nang aquing caban, doon sa ilalim nang manga damit.

Pagca maya-maya,i, ito na si tandang Siliang may taglay ang naturang balutan na iniabot sa caniyang asaua. Binuclat ni matandang Basio, at hinango roon ang isang parang librong munti, at ang uica niya sa aquin:

--Ito, pó, aniya, ang casulatang sinabi co sa inyo cagabi. Cung gusto, po, ninyong basahin, ay basahin, pó, ninyo, at cung ang gusto po, ninyo, na aco,i, siyang bumasa, ay babasahin co, pó.

--Cayo, na, pó, ang aquing sabi cay tandang Basio, cayo na, po, ang bumasa, at paquiquingan co.

--Salamat, pó, cung siya ang inyong gusto. Subali,t, bago cong sapulan ang pagbasa nito,i, mayroon, po, acong ipahahayag sa inyo.

--Cayo, pó, ang bahala; at aco,i, ayunayunan sa inyo.

--Salamat, pó, ang ulit nang matanda, at tuloy nag-uica sa aquin nang gayon:--Ito pong casulatan, ay guinaua nang aquing tatay, at palibhasa,i, siya,i, capoua co ring hangal, ay segurong-seguro po,i, maraming mapipintasan ninyong salitang hindi matotouid. Datapoua,t, cung sa laman, pó, ay totoong-totoo ang nalalaman dini; at cung caya,i, pinatotoohanan co, sapagca,t, inabot co at naquilala co rin ang lahat nang tauong nasasambit dito sa tinatangnan cong libro.

--Houag, pó, cayong, ang sagot co; houag, po, cayong mag-alaala niyan at nang anoman, at aco,i, isa ring hangal. Ang ibig co, pó, lamang ay matalastas co ang laman niyang casulatang hinahauacan ninyo; caya, cung baga minamatapat, pó, ninyo, ay inyong sapulan na.

--Cung ganoon, pó, ay inyo, pong paquingan, at aco,i, sasapol na.

--Pagcasagot nang ganito ni tandang Basio, ay lumapit siya sa ilao, binuclat niya ang casulatan, pinahiran nang paño ang caniyang mata, suminga nang caunti, tumic-him pang dahan-dahan, at binasa niyang tuloy itong manga susunod, na isinalin co dito sa papel, na ualang culang at ualang labis: