Pagcatapos nang pagbasa nito,i, tiniclop ni tandang Basio ang librong caniyang tañgan, pinahiran nang paño ang caniyang mata, at ang uica sa aquin:
--Tapus na, pó, ang historiang isinulat nang aquing nasirang ama. ¿Ano, pó, ang inyong tiñgin, ó sabi caya sa mañga napapalaman dito sa salitang ito?
--Minamabuti co pó, ang sagot co, minamabuti co pó, ang lahat, subali,t, tila, pó,i, ang tatay ninyo ay hindi caraniuang indio, cundi, ang bintang co po,i, siya,i, nag-aral din nang caunti.
--Uala pó, ang uica nang matanda, uala po. Ang tatay co pó, ay paris co ring ualang pinag-aralan cundi ang bumasa, sumulat, ang dasal at caunting cuenta, at pagcatapos niyon, ay hindi na humiualay siya sa calabao. Uala po, caming pinagcacaibhang dalaua nang tatay co, cundi ang siya,i, matino ang bait at matalas ang pag-iisip, at aco po,i, hindi.
Hindi na aco sumagot sa mañga catouiran ni tandang Basio, sapagca,t, aco,i, nag-aantoc na. At saan di aco,i, mag-aantoc? Ang pagbasa niya,i, madalang na madalang, palibhasa,i, matanda na siya, at malabo-labo na ang caniyang mata, caya matagal nang totoong bago matapos ang pagbasa niya nang historiang isinulat nang caniyang ama. Sumisicat na ang liuayuay nang ito,i, matapos, at cung caya,i, nagpaalam na aco sa caniya, at ipinañgaco co sa caniya, na pagcapahinga co nang caunti, ay babalican co siya.