Nan~gaghahapunan doon sa comedor (cacanán) ni Capitan Tiago, si Linares at si tía Isabel; narín~gig mulá sa salas ang calampagan n~g m~ga pinggán at n~g m~ga cubierto. Sinabi ni María Clarang aayaw na siyáng cumain, at naupô sa piano na ang casama'y ang masayáng si Sinang, na bumúbulong sa canyáng m~ga tain~ga n~g m~ga talinghagang salitâ, samantalang balisáng nagpaparoo't parito sa salas si pari Salvi.
Hindi sa dahiláng hindi nagdáramdam n~g gutom ang bagong galing sa sakit, hindî; cayâ gayó'y hinihintay ang pagdating n~g isang tao, at sinamantala ang sandaling hindi niyá macacaharap ang canyáng Argos (sa macatuwid baga'y ang hindi naglílicat n~g pagbabantay sa canyá saán man): ang oras n~g paghahapunan ni Linares.
--Makikita mo cung hindi matitira ang fantasmang iyán hanggáng sa á las ocho,--ang ibinulóng ni Sinang, na itinuturo ang cura; dapat siyáng pumarito pagca á las ocho. Gaya rin siyá ni Linares na umiibig.
Pinagmasdán ni María Clara n~g boong panghihilacbót ang canyáng catotong babae. Hindi nápagmasdan nitó ang gayóng bagay, caya't nagpatuloy ang catacottacot na masalin~gatà:
--¡Ah! nalalaman co na cung bakit aayaw umalis cahi't pagpasarin~gan co: ¡aayaw magcagugol sa pag-iilaw n~g convento! ¿nalaman mo na? Mulâ n~g magcasakít icaw, mulíng pinatáy ang dalawáng lámparang dating pinasísindihán ... Datapuwa't ¡tingnán mo cung anó ang guinagawang anyó sa m~ga matá, at cung paano ang pagmumukhà!
Tinugtóg n~g sandalíng iyón n~g relós sa bahay ang á las ocho. Nan~gatal ang cura at naupô sa isáng suloc.
--¡Darating na!--ani Sinang at kinurót si María Clara;--¿náririn~gig mo ba?
Tumugtóg ang campanà sa simbahan n~g á las ocho at tumindig ang lahát upáng man~gagdasál; namunò si pari Salvi n~g mahina't nan~gán~gatal na tinig; datapuwa't palibhasa'y may canícanyang iniisip ang bawa't isá, sino ma'y waláng pumansín n~g bagay na iyón.
Bahagyá pa lamang natatapos ang dasál ay dumatíng si Ibarra. May tagláy na luksâ ang binatà, hindi lamang sa pananamít, cung di naman sa mukhá, caya pagcakita sa canyá ni María Clara'y tumindig at humacbáng n~g isá upáng siyá'y tanun~gin cung napapaano, n~guni't sa sandali ring iyó'y narin~gíg ang isáng pútucan n~g m~ga baríl. Tumiguil si Ibarra, umiinog ang canyáng m~ga matá, siyá'y naumíd. Nagtagò sa licód n~g isáng haligui ang cura. Bago na namáng m~ga putucan, bagong m~ga ugong ang náririn~gig sa dacong convento, na sinusundan n~g m~ga hiyawan at tacbuhan. Nan~gagsipasoc n~g panacbó si capitan Tiago, si tía Isabel at si Linares at nan~gagsisigawan n~g ¡tulisán! ¡tulisán! Casunod nilá si Andeng na iniwawasiwas ang isáng duruan at tumacbó't naparoon sa tabí n~g canyáng capatíd sa suso.
Nanicluhód si tía Isabel at umiiyac at dinárasal ang kyrie eleyson; dalá ni capitán Tiagong namúmutlá't nan~gán~gatal sa isáng tenedor ang atáy n~g isáng inahíng manóc at inihahaying tumatan~gis sa Virgen sa Antipolo; punongpunô ang bibig ni Linares at nacasandata n~g isáng cuchara; nan~gagyacap si Sinang at si María Clara; ang tan~ging hindi nananatili sa hindi pagkilos ay si Crisóstomo, na hindi maisaysáy ang canyáng pamumutlá.
Nagpapatuloy ang sigawá't ang m~ga hampasan, nan~gagsásara n~g m~ga bintanà n~g boong in~gay, naririn~gig ang tunóg n~g m~ga pito, manacanaca'y isáng putóc n~g baríl.
--¡Christe eleyson! Santiago, ¡nagáganap na ang hulà ... sarhán mo ang m~ga bintana!--ang hibíc ni tía Isabel.
--¡Limampóng bombang malalakí at dalawáng misa de gracia!--ang tugón namán ni capitán Tiago;--¡Ora pro nobis!
Untiunting nananag-uli ang cakilakilabot na catahimican ... Nárin~gig ang tinig n~g alférez na sumísigaw at tumatacbo:
--¡Padre cura! ¡Padre Salvi! ¡Hali cayó!
--¡Miserere! ¡Humihin~gi n~g confesión ang alférez!--ang sigáw ni tía Isabel.
--¿May sugat ba ang alférez?--ang sa cawacasa'y itinanóng ni Linares; ¡ah!
At n~gayó'y canyáng nahiwatigang hindi pa palá nan~gún~guyá ang na sa canyáng bibig.
--¡Padre cura, halí cayó! ¡Walâ nang sucat icatacot!--ang ipinatuloy na sigáw n~g alférez.
Sa cawacasa'y minagalíng ni fray Salving namúmutlâ, na lumabás sa canyáng pinagtataguan at manaog sa hagdanan.
--¡Pinatáy n~g m~ga tulisán ang alférez! ¡María, Sinang, pasá cuarto cayó, trangcahán ninyóng magalíng ang pintô! ¡Kyrie eleyson!
Napasa hagdanan namán si Ibarra, bagá man sinasabi sa canyá ni tía Isabel:
--¡Huwág cang lumabás at hindi ca nacapan~gun~gumpisal, huwág cang lumabás!
Ang mabait na matandang babaeng itó'y caibigang matalic n~g una n~g canyáng iná.
Datapuwa't nilisan ni Ibarra ang bahay; sa pakiramdám niyá'y umiinog na lahát sa canyáng paliguid, na nawáwalâ ang canyáng tinutungtun~gan. Humahaguing ang canyáng tain~ga, bumibigát ang canyáng m~ga bintî at cacaibá cung ilacad; naghahalihaliling nagdaraan sa canyang panin~gín ang m~ga alon n~g dugô, liwanag at carilimán.
Bagá man totoóng maliwanag ang sicat n~g buwán sa lan~git, natitisod ang binatà sa m~ga bató't m~ga cahoy na na sa daang mapanglaw at waláng cataotao.
Sa malapit sa cuartel ay nacakita siyá n~g m~ga sundalong nacalagáy sa dulo n~g fusil ang bayoneta, na nan~gagsasalitaan n~g masimbuyó, caya't nacaraan siyá na hindi napansín.
Naririn~gig sa tribunal ang m~ga dagoc, m~ga sigáw, m~ga daíng, m~ga tun~gayaw; nan~gin~gibabaw at nagtatagumpay sa lahát ang tinig n~g alférez.
--¡Sa pan~gáw! ¡Lagyán n~g esposas ang m~ga camay! ¡Dalawáng putóc agád sa cumilos! ¡Sargento, magtatág cayó n~g bantáy! ¡Waláng magpapasial n~gayón, cahi't Dios! ¡Huwág cayóng matutulog, capitán!
Nagtumulin n~g pagpatun~go sa canyáng bahay si Ibarra; hinihintay siyá n~g canyáng m~ga alila na malakí ang balisa.
--¡Siyahan ninyó ang lalong pinacamagalíng na cabayo at cayó'y matulog!--ang sa canilá'y sinabi.
Pumasoc sa canyáng gabinete, at nag-acalang magdalidaling ihandá ang isáng maleta. Binucsán ang isáng cajang bacal, kinuha ang canyáng m~ga hiyas, kinuha ang lahát n~g salaping doroon at ípinasoc sa isáng supot. Kinuha ang canyáng m~ga hiyas, kinuha sa pagcasabit ang isáng larawan ni María Clara, at pagcatapos na macapagsandata n~g isáng sundang at dalawáng revolver ay tinun~go ang isáng armario na kinálalagyan n~g canyáng m~ga casangcapan.
Nang sandaling iyó'y tatlóng calabóg na malalacás ang tumunóg sa pintô.
--¿Sino iyán?--ang itinanóng ni Ibarra n~g tinig na malungcót.
--¡Bucsán ninyó sa n~galan n~g harì, bucsan ninyò agád ó iguiguibà namin ang pintô!--ang sagót sa wicàng castilà n~g isáng tinig na mahigpit ang pag-uutos.
Tumin~gin sa bintana si Ibarra; nagningning ang canyáng m~ga matá at ikinasá ang canyáng revolver; datapuwa't nagbagong isipan, binitiwan ang m~ga sandata at siyá rin ang nagbucás n~g nan~gagdaratin~gan na ang m~ga utusán.
Pagdaca'y hinuli siyá n~g tatlóng guardia.
--¡Parakip po cayó sa n~galan n~g Hari!--anáng sargento.
--¿Bakit?
--Doon na sasabihin sa inyó, bawal sa amin ang sabihin.
Nagdilidiling sandali ang binatà, at sa pagcá't aayaw siyá marahil na makita ang canyáng m~ga paghahandâ sa pagtacas, dinampót ang sombrero't nagsalitâ:
--¡Sumasailalim po acó n~g inyóng capangyarihan! Inaacala cong sa sandalíng oras lamang.
--Cung nan~gan~gaco cayóng hindi tatacas, hindi po namin cayó gagapusin; ipinagcacaloob po sa inyó n~g alférez ang biyayang itó; n~guni't cung cayó'y tumacas....
Sumama si Ibarra, at iniwan ang canyáng m~ga alilang nan~galálaguim.
Samatala'y ¿anó na ang nangyari cay Elías?
Nang canyáng lisanin ang bahay ni Crisóstomo, warì'y sirá ang isip na tumátacbong hindi nalalaman ang pinatun~guhan. Tinahac ang m~ga capatagan, dumating sa isáng gubat na totoong malakí ang pagcaguiyaguis; tinatacasan ang cabayanan, tinatacasan ang liwanag, nacaliligalig sa canya ang buwan, pumasoc siyá sa talinghagáng lilim n~g m~ga cahoy. Nang naroroon na'y cung minsa'y tumitiguil, cung minsa'y lumalacad sa m~ga di kilalang landás, cumacapit sa punò n~g malalaking cahoy, nababayakid sa m~ga dawag, tumátanaw sa dacong bayan, na sa dacong paanan niyá'y naliligo sa liwanag n~g buwan, nacalatag sa capatagan, nacahilig sa m~ga pampan~gin n~g dagat. Nan~gagliliparan ang m~ga ibong nan~gapupucaw sa caniláng pagtulog; nan~gagpapalipatlipat sa sa isá't isáng san~gá, nan~gaghuhunihan n~g matataos na tinig at tinititigan siyá n~g mabibilog na m~ga matá n~g nan~gaglalakihang m~ga panikî, m~ga kuwago at m~ga sábucot. Hindi silá tinitingnan at hindi man lamang silá náririn~gig ni Elias. Ang acalà niyá siyá'y sinúsundan n~g m~ga napupuot na anino n~g canyáng m~ga magulang na nan~gamatay na; nakikita sa bawa't san~gá ang calaguímlaguím na buslóng kinálalagyan n~g naliligò n~g dugóng ulo ni Bálat, ayon sa pagcasabi sa canyá n~g canyáng amá; warì natatalisod niyá mandín sa punò n~g bawa't cahoy ang matandáng babaeng patáy; tila mandin nakikinikinita niyá sa dilim na papawidpawid ang bun~gô at m~ga butó n~g nunò niyáng lalaking imbi ... at ang m~ga butóng itó n~g matandáng babae at saca ang ulong iyó'y sinisigawan siyá: ¡duwág!, ¡duwág!
Linisan ni Elías ang bundóc, tumacas at lumusong sa dacong dagat, sa pasigang nilacad niyá n~g boong balisa; n~guni't doon sa malayò, sa guitná n~g tubig, doon sa ipinaiilanglang mandin n~g liwanag n~g buwan ang isáng ulap, anaki'y nakita niyáng napaimbulog at pumapawidpawid ang isáng anino, ang anino n~g canyàng capatíd na babaeng basá n~g dugô ang dibdib, lugáy ang buhók at inilílipad n~g han~gin.
Nanicluhód sa buhan~gin si Elías.
--¡Patí ba namán icaw!--ang ibinulóng na iniunat ang m~ga bisig.
Datapuwâ, nacatitig sa ulap ay dahandahang tumindíg, sumulong at tumubóg sa tubig, na wari mandin siyá'y may sinúsundan. Lumalacad siyá sa malaláy na palusóng na iyóng gawá n~g wawà; malayò na siyá sa tabi, dumarating na sa canyáng bayawáng ang tubig ay siyá'y sumusulong din, sumusulong na tila niwawaláng diwà n~g isáng mapanhalinang espiritu. Dumárating na sa canyáng dibdib ang tubig ...; n~guni't umalin~gawn~gaw ang putucan n~g m~ga baril, nawalá ang aninong malicmatà at ang binatà'y nataohan. Salamat sa catahimican n~g gabí at sa lalong malakíng capaikpicán n~g mahinhing han~gin ay dumarating na magaling at malinaw na malinaw hanggáng sa canyá ang ugong n~g m~ga putucan. Humintô siyá, nagdilidili, nahiwatigan niyáng siyá palá'y sumasatubig; payapà ang dagatan at natatanaw pa niyá ang m~ga ilaw sa dampâ n~g m~ga man~gin~gisdâ.
Nagbalic siyá sa pampáng at napatun~go sa bayan, ¿anó ang dahil? Siyá ma'y hindi niyá nalalaman.
Tila mandin walang tao ang bayan; saráng lahát ang m~ga bahay, sampóng m~ga hayop, ang m~ga ásong caraniwang tumatahol cung gabí, pawang nan~gagtagò sa tacot. Nacararagdag n~g lungcot at pag-iisá ang anyóng pilac na liwanag n~g buwan.
Sa pan~gan~ganib niyáng bacâ canyáng macasalubong ang m~ga guardia civil, siya'y nagpasuotsuot sa m~ga halamanan at m~ga pananím, at anaki'y canyáng naaninagnagan ang dalawáng may anyóng tao; datapuwa't canyáng ipinatuloy ang lacad, at, pagcalucsó niyá sa m~ga bacod at sa m~ga pader, dumating siyáng pagál na pagál sa hirap na canyáng m~ga pinagdaanan, sa isáng dulo n~g bayan, at tinun~go niyá ang bahay ni Crisóstomo. Na sa pintuan ang m~ga alila't caniláng pinag-uusapan at caniláng dináramdam ang pagcacapiit sa caniláng pan~ginoon.
Nang matantô na ni Elías ang nangyari siyá'y lumayô, lumiguíd siyá sa bahay, nilucsó ang pader na bacod, inakyat ang bintanà at pumasoc sa gabinete, at nakita niyáng nagninin~gas pa ang iniwang candila ni Ibarra.
Nakita ni Elías ang m~ga papel at ang m~ga libró at ang m~ga suputang kinasisidlan n~g salapî at m~ga hiyas. Pinag ugnáy-ugnáy sa canyáng dilidili ang doo'y nangyari, at n~g mapagmasdan niyá ang gayóng caraming m~ga papel na macapapahamac, inacala niyáng iligpít, ihaguís sa bintanà at ibaón.
Sumun~gaw siyá sa halamanan, at sa liwanag n~g buwá'y canyáng natanawan ang dalawáng guardia civil, na may casamang isáng «auxiliante» (isáng utusán bagá n~g justicia): nagkikintaban ang m~ga bayoneta at ang m~ga capacete.
Nang magcagayo'y minagalíng niyáng gawín agad ang isáng munacalà: ibinuntón sa guitnâ n~g gabinete ang m~ga damít at ang m~ga papel, ibinuhos sa ibabaw ang isáng lámpara n~g petróleo at sacâ sinindihán. Ibinigkís na nagdudumalî sa bayawáng ang m~ga sandata, nakita ang larawan ni María Clara, nag-alinlan~gan ... itinagò sa isá sa m~ga suputan, dinalá ang m~ga suputang itó at tumalón sa bintanà.
Panahón na n~gà; iguiníguibâ na n~g m~ga guardia civil ang pintuan.
--¡Pabayaan ninyó camíng pumanhic upáng aming cunin ang m~ga papel n~g inyóng pan~ginoon!--anáng directorcillo.
--¿May dalá ba cayóng pahintulot? Cung wala'y hindi cayó macapapanhic,--ang sabi n~g isáng matandáng lalaki.
N~guni't pinatabi siyá n~g m~ga guardia civil sa cacuculata, pumanhíc silá sa hagdán ...; datapuwa't isáng macapal na asó ang siyáng pumúpunô sa bahay, at pagcálalaking m~ga dilà n~g apóy ang siyáng nan~gagsilabás sa salas at dinidilàan ang m~ga pintó't bintanà.
--¡Sunog! ¡Sunog! ¡Apóy!--ang ipinagsigawan n~g lahát.
Humandulong ang lahát upáng mailigtás n~g bawa't isá ang macacaya, n~guni't dumating ang apóy sa maliit na laboratorio at pumutóc ang m~ga naroroong bagay na madadalíng mag-alab. Napilitang umurong ang m~ga guardia civil, hinaharan~gan silá n~g sunog, na umuun~gal at niwáwalis ang bawa't maraanan. Nawaláng cabuluháng cumuha n~g tubig sa balón; sumísigaw ang lahát, ang lahát ay nagpapaguibíc, datapuwa't silá'y nálalayô sa lahát. Narating na n~g apóy ang m~ga ibáng cabahayán at napaiilanglang sa lan~git, casabay ang pagpaimbulóg n~g malalakíng nagpapainog-inog na asó. Nalilipos na n~g apóy ang boong bahay, lumálacás ang han~ging nasasalab; mulâ sa malayo'y nan~gagsisirating ang iláng m~ga tagá bukid, nguni't dumárating silá roo't upáng mapanood lamang nilá ang cagulatgulat na sigâ, ang wacás n~g matandáng bahay, na pinagpitagang mahabang panahón n~g apóy, tubig at han~gin.