Magcacaroon na n~g icapitong horas n~g umaga n~g matapos ni Fr. Salví ang canyang catapusáng misa: guinawà niyá ang tatlóng misa sa loob n~g isáng oras.
--May sakít ang párì--anang madadasaling m~ga babae; hindî gaya n~g dating mainam at mahinhín ang canyáng kílos.
Naghubad n~g canyáng m~ga suot na di umíimic, hindî tumitin~gin sa canino man, hindî bumabatì n~g cahi't anó.
--¡Mag-in~gat!--anáng bulungbulun~gan n~g m~ga sacristan;--¡lumulúbhâ ang samâ n~g úlo! ¡Uulan ang m~ga multa, at ang lahát n~g ito'y pawang casalanan n~g dalawáng magcapatíd!
Umalís ang cura sa sacristía upang tumun~go sa convento; sa sílong nitó'y nan~gacaupô sa bangcô ang pitó ó walóng m~ga babae at isáng lalaking nagpapalacadlacad n~g paroo't parito. Nang makita niláng dumarating ang cura ay nan~gagtindigan; nagpauna sa pagsalubong ang isáng babae upang hagcán ang canyang camáy; n~guni't gumamit ang cura n~g isáng anyóng cayamután, caya't napahintô ang babae sa calaguitnaan n~g canyáng paglacad.
--¿Nawalan yatà n~g sicapat si Curiput?--ang mariíng sabi n~g babae sa salitáng patuyâ, na nasactán sa gayóng pagcá tanggáp. ¡Huwag pahagcán sa canyá ang cama'y, sa gayóng siyá'y celadora n~g "Hermandad", gayóng siya'y si Hermana Rufa! Napacalabis namang totóo ang gayóng gawâ.
--¡Hindî umupô n~gayóng umaga sa confesonario!--ang idinugtóng ni Hermana Sípa, isáng matandáng babaeng walâ n~g n~gipin;--ibig co sanang man~gumpisal at n~g macapakinabang at n~g magcamit n~g n~ga "indulgencia".
--Cung gayo'y kinahahabagan co cayó!--ang sagót n~g isang babaeng batà pa't ma'y pagmumukhang tan~ga; nagcamít acó n~gayóng umaga n~g tatlóng indulgencia plenaria na aking ipinatungcól sa calolowa n~g aking asawa.
--¡Masamang gawâ, hermana Juana!--ang sabì n~g nasactán ang loob na si Rufa.--Sucat na ang isang indulgencia plenaria upang mahan~gò siya sa Purgatorìo; hindî dapat ninyóng sayan~gin ang m~ga santa indulgencia; tumúlad cayó sa akin.
--¡Lalong magalíng ang lalong marami: ang sabi co!--ang sagót n~g waláng málay na si hermana Juana, casabáy ang n~gitî.
Hindî agád sumagót si hermana Rufa: nanghin~gî muna n~g isáng hitsó, n~ginán~gà, minasdán ang nagcacabilog na sa canyá'y nakikinig n~g dî cawasà, lumurâ sa isáng tabí, at nagpasimulâ, samantalang n~gumán~gatâ n~g tabaco:
--¡Hindî co sinasayang cahi't isáng santong araw! Nagcamít na acó, búhat n~g acó'y mapanig sa Hermandad, n~g apat na raa't limampo't pitóng m~ga indulgencia plenaria, pitóng daá't anim na pong libo, limáng daa't siyám na po't walóng taóng m~ga indulgencia. Aking itinátalâ ang lahát n~g aking m~ga kinácamtan, sa pagca't ang ibig co'y malinis na salitaan; ayaw acóng mangdáyà, at hindî co rin ibig na acó'y dayâin.
Tumiguil n~g pananalitâ si Rufa at ipinatuloy ang pagn~guyâ; minámasdan siyá, n~g boong pagtatacá n~g m~ga babae; n~guni't humintô sa pagpaparoo't parito ang lalaki, at nagsalitâ cay Rufa n~g may anyóng pagpapawalang halagá.
--Datapuwa't nacahiguít acó sa inyó, hermana Rufa, n~g taóng itó lamang sa m~ga kinamtan co, n~g apat na indulgencia plenaria at sangdaang taón pa; gayóng hindî lubhang nagdárasal acó n~g taóng itó.
--¿Higuít cay sa ákin? ¿Mahiguít na anim na raa't walompo't siyám na plenaria, siyám na raa't siyám na po't apat na libo walóng daa't limampo't ánim na taón?--ang ulit ni hermana Rufang wari'y masamâ n~g cauntî ang loob.
--Gayón n~gâ, walóng plenaria at sangdaa't labing limáng taón ang aking cahiguitán, at itó'y sa íilang buwán lamang—ang inulit n~g lalaking sa líig ay may sabit na m~ga escapulario at m~ga cuintas na punô n~g libág.
--¡Hindî dapat pagtakhan—ani Rufang napatalo na;--cayó pô ang maestro at ang púnò sa lalawigan!
N~gumin~gitî ang lalaking lumakí ang loob.
--Hindî n~gâ dapat ipagtacáng acó'y macahiguít sa inyó n~g pagcacamit; halos masasabi cong cahi't natutulog ay nagcácamit acó n~g m~ga índulgencia.
--¿At anó pô bâ ang guinágawâ ninyó sa m~ga indulgenciang iyán?--ang tanóng na sabáysabáy n~g apat ó limáng voces.
--¡Psh!--ang sagót n~g lalaking umanyô n~g labis na pagpapawalang halagá;--aking isinasabog sa magcabicabilà!
--¡Datapuwa't sa bágay n~gang iyán hindî co mangyayaring cayó'y puríhin, mâestro—ang itinutol ni Rufa,--¡Cayó'y pasasa Purgatorio, dahil sa inyóng pagsasayáng n~g m~ga indulgencia. Nalalaman na pô ninyóng pinagdurusahan n~g apat na pong áraw sa apóy ang bawa't isáng salitáng waláng cabuluhán, ayon sa cura; ánim na pong áraw sa bawa't isáng dangcal na sinulid; dalawampo, bawa't isáng patác na tubig. ¡Cayó'y pasasa Purgatorio!
--¡Malalaman co na cung paano ang paglabás co roôn!--ang sagót ni hermano Pedro, tagláy ang dakilang pananampalataya.--Lubháng marami ang m~ga cálolowang hinán~gò co sa apóy! ¡Lubháng marami ang guinawâ cong m~ga santo! At bucód sa rito'y "in articulo mortis" (sa horas n~g camatayan) ay macapagcácamit pa acó, cung aking ibiguìn, n~g pitóng m~ga "plenaria", ¡at naghihín~galô na'y macapagliligtas pa acó sa m~ga ibá!
At pagcasalitâ n~g gayó'y lumayóng tagláy ang malakíng pagmamataas.
--Gayón ma'y dapat ninyóng gawín ang catulad n~g aking gawâ, na dî acó nagsásayang cahit isáng áraw, at magalíng na bilang ang aking guinágawâ. Hindî co ibig ang magdayâ, at áyaw namán acóng marayà nino man.
--¿At paano pô, bâ ang gawâ ninyó?--ang tanóng ni Juana.
--Dapat n~gâ pô ninyóng tularan ang guinágawâ co. Sa halimbawà: ipalagáy pô ninyóng nagcamít acó n~g isáng taóng m~ga indulgencia: itinatalâ co sa aking cuaderno at aking sinasabi:--"Maluwalhating Amáng Poong Santo Domingo, pakitingnán pô ninyó cung sa Purgatorio'y may nagcacailan~gan n~g isáng taóng ganáp na waláng labis culang cahi't isáng áraw."--Naglálarô acó n~g "cara-y-cruz;" cung lumabás na "cara" ay walâ; mayroon cung lumabás na "cruz." N~gayó'y ipalagáy nating lumabás n~g "cruz", pagcágayo'y isinusulat co: "násin~gil na;" ¿lumabás na "cara"? pagcágayó'y iniin~gatan co ang indulgencia, at sa ganitóng paraa'y pinagbubucodbucod co n~g tigsasangdaaag taóng itinátalâ cong magalíng. Sayang na sayang at hindî magawâ sa m~ga indulgencia ang cawan~gis n~g guinágawâ sa salapî: ibibigay cong patubuan: macapagliligtas n~g lalong maraming m~ga cálolowa. Maniwálà cayó sa akin, gawín ninyó ang áking guinágawâ.
--¡Cung gayó'y lalong magalíng ang áking guinágawâ!--ang sagót ni hermana Sípa.
--¿Anó? ¿Lálong magalíng?--ang tanóng ni Rufang nagtátaca.--¡Hindî mangyayari! ¡Sa guinágawâ co'y walâ n~g gágaling pa!
--¡Makiníg pô cayóng sandalî at paniniwalâan ninyó ang áking sábi, hermana!--ang sagót ni hermana Sípang matabáng ang pananalitâ.
--¡Tingnán! ¡tingnán! ¡pakinggán natin!--ang sinabi n~g m~ga ibá.
Pagcatapos na macaubó n~g boong pagpapahalaga'y nagsalitâ ang matandáng babae n~g ganitóng anyô:
--Magalíng na totoo ang inyóng pagcatalastas, na cung dasalín ang "Bendita-sea tu Pureza," at ang "Señor-mio Jesu cristo,--Padre dulcísimo-por el gozo," nagcacamit n~g sampóng taóng indulgencia sa bawa't letra..
--¡Dálawampo!--¡Hindî!--¡Cúlang!--¡Lima!--ang sabi n~g iláng m~ga voces.
--¡Hindî cailan~gan ang lumabis ó cumulang n~g isá! N~gayón: pagca nacababasag ang aking isáng alilang lalaki ó isáng alilang babae n~g isáng pinggán, váso ó taza, at ibá pa, ipinapupulot co ang lahát n~g m~ga piraso, at sa bawa't isá, cahi't sa lalong caliitliitan, pinapagdárasal co siyá n~g "Bendita-sea-tu-Pureza" at n~g "Señor-mio-Jesu cristo Padre dulcísimo por el gozo", at ipinatútungcol co sa m~ga cálolowa ang m~ga indulgenciang kinácamtan co. Nalalaman n~g lahát n~g taga báhay co ang bagay na itó, tán~gì lamang na hindî ang m~ga púsà.
--N~guni't ang m~ga alilang babae ang siyáng nagcácamit n~g m~ga indulgenciang iyán, at hindî cayó, Hermana Sipa—ang itinutol ni Rufa.
--At ¿sínong magbabayad n~g aking m~ga taza at n~g aking m~ga pinggan? Natótowa ang m~ga alilang babae sa gayóng paraang pagbabayad, at acó'y gayón din; silá'y hindî co pinapálò; tinutuctucan co lamang ó kinúcurot....
--¡Gagayahin co!--¡Gayón din ang aking gágawin!--¡At acó man!--ang sabihan n~g m~ga babae.
--Datapuwa't ¿cung ang pinggán ay nagcacádalawa ó nagcácatatatlong piraso lamang? ¡Cacauntî ang inyóng cácamtan!--ang ipinaunawà pa n~g maulit na si Rufa.
--Itulot pô ninyóng ipagtanóng co sa inyó ang isáng pinag-aalinlan~ganan co—ang sinabi n~g totoong cakimîan n~g bátà pang si Juana.--Cayó pô m~ga guinoong babae ang nacacaalam na magalíng n~g m~ga bagay na itóng tungcól sa Lan~git, Purgatorio at Infierno,.... ipinahahayag cong acó'y mangmang.
--Sabihin ninyó.
--Madalás na aking nakikita sa m~ga pagsisiyám (novena) at sa m~ga ibá pang m~ga libro ang ganitong m~ga bilin: "Tatlóng amánamin, tatlóng Abáguinoong Maria at tatlóng Gloria patri.."
--¿At n~gayón?....
--At n~gayó'y ibig cong maalaman cung paano ang gágawing pagdarasal: ¿Ó tatlóng Amanaming sunôd-sunód, tatlóng Abaguinoong Mariang sunôd-sunód; ó macaatlóng isáng Amanamin, isáng Abaguinoong María at isáng Gloria Patri?
--Gayó n~gâ ang marapat, macaitlóng isáng Amanamin....
--¡Ipatawad ninyó, hermana Sípa!--ang isinalabat ni Rufa: dapat dasaling gaya n~g ganitóng paraan: hindî dapat ilahóc ang m~ga lalaki sa m~ga babae: ang m~ga Amanamin ay m~ga lalaki, m~ga babae ang m~ga Abaguinoong María, at ang m~ga Gloria ang m~ga anác.
--¡Ee! ipatawad ninyó, hermana Rufa; Amanamin, Abaguinoong-María at Glorìa ay catulad n~g canin, ulam at patís, isáng súbò sa m~ga santo ...
--¡Nagcácamalî cayó! ¡Tingnán na pô lamang ninyó, cayóng nágdárasal n~g paganyán ay hindî nasusunduan cailán man ang inyóng hiníhin~gî!
--¡At cayóng nagdárasal n~g paganyá'y hindî cayó nacacacuha n~g anó man sa inyóng m~ga pagsisiyám!--ang mulíng isinagót n~g matandáng Sípa.
--¿Sino?--ang wicà ni Rufang tumindíg—hindî pa nalalaong nawalan acó n~g isáng bíic, nagdasál acó cay San Antonio ay aking nakita, at sa catunaya'y naipagbilí co sa halagang magalíng, ¡abá!
--¿Siya n~ga ba? ¡Cayâ palá sinasabi n~g inyóng capit-bahay na babaeng inyó raw ipinagbilí ang isang bíic niya!
--¿Sino? ¡Ang waláng hiyâ! ¿Acó ba'y gaya ninyó ...?
Nacailan~gang mamaguitnâ ang maestro upang silá'y payapain: sino ma'y walâ n~g nacágunitâ n~g m~ga Amanamin, walang pinag-uusapan cung dî m~ga baboy na lamang.
--¡Aba! ¡aba! ¡Huwág cayong mag-away dahil sa isáng bíic lamang! Binibigyan tayo n~g m~ga Santong Casulatan n~g halimbáwà; hindî kinagalitan n~g m~ga hereje at n~g m~ga protestante ang ating Pan~ginoong Jesucristo na nagtapon sa tubig n~g isáng càwang m~ga baboy na caniláng pag-aarì, at tayong m~ga binyagan, at bucod sa roo'y m~ga hermano n~g Santísimo Rosario pa, ¿táyo'y man~gag-aaway dahil sa isáng bíic lamang? ¿Anóng sasabihin sa atin n~g ating m~ga capan~gagaw na m~ga hermano tercero?
Hindî nan~gagsi-imîc ang lahat n~g m~ga babae at canilang tinátakhan ang malalím na carunun~gan n~g maestro, at caniláng pinan~gan~ganiban ang masasabi n~g m~ga hermano tercero. Násiyahan ang maestro sa gayóng pagsunód, nagbágo n~g anyô n~g pananalitâ, at nagpatuloy:
--Hindî malalao't ipatatawag tayo n~g cura. Kinacailan~gang sabihin natin sa canya cung sino ang íbig nating magsermon sa tatlong sinabi niyá sa atin cahapon: ó si párì Dámaso, ó si párì Martin ó cung ang coadjutor. Hindî co maalaman cung humírang na ang m~ga tercero; kinacailan~gang magpasiyá.
--Ang coadjutor—ang ibinulong ni Juanang kimingkimî.
--¡Hm! ¡Hindî marunong magsermón ang coadjutor!--ang wíca ni Sipa;--mabuti pa si párì Martin.
--¿Si párì Martin?--ang maríing tanong n~g isang babae, na anyóng nagpápawaláng halagâ;--siyá'y waláng voces; mabuti si párì Dámaso.
--¡Iyán, iyan n~gâ!--ang saysáy ni Rufa.--¡Si párì Dámaso ang tunay na marunong magsermon, catulad siya n~g isang comediante; iyan!
--¡Datapuwa't hindî natin maunáwà ang canyáng sinasabi!--ang ibinulong ni Juana.
--¡Sa pagcá't totoong malalim! n~guni't magsermon na lamang siyang magaling....
Nang gayó'y siyáng pagdatíng ni Sisang may sunong na bacol, nag-magandang araw sa m~ga babae at pumanhíc sa hagdanan.
--¡Pumápanhic iyón! ¡pumanhíc namán tàyo!--ang sinabi nilá.
Náraramdaman ni Sisang tumítiboc n~g bóong lacás ang canyáng púsò, samantalang pumapanhíc siyá sa hagdanan; hindî pa niyá nalalaman cung anó ang canyáng sasabihin sa párì upang mapahupâ ang galit, at cung anó ang m~ga catuwirang canyáng isasaysay upang maipagsanggaláng ang canyáng anác. Nang umagang iyon, pagsilang n~g m~ga unang sínag n~g liwáywáy, nanaog siya sa canyáng halamanan upang putihin ang lalong magagandáng gúlay, na canyáng inilagay sa canyang bacúlang sinapnan n~g dáhong ságuing at m~ga bulaclac. Nan~guha siyá sa tabíng ilog n~g pacô, na talastas niyang naiibigan n~g curang cáning ensalada. Nagbihis n~g lalong magagalíng niyáng damít, sinunong ang bacol at napasabayang hindî guinising muna ang canyang anác.
Nagpapacarahan siyá n~g boong cáya upang huwag umin~gay, untî-unting siyá'y pumanhíc, at nakikinig siya n~g mainam at nagbabacâ-sacaling marinig niyá ang isáng voces na kilalá, voces na sariwà voces batà.
N~guni't hindî niyá nárinig ang sino man at sino ma'y hindî niyá nasumpungán, caya't napatun~go siya sa cocínà.
Diya'y minasdán niyá ang lahát n~g m~ga súloc; malamíg ang pagcacátanggap sa canyá n~g m~ga alilà at n~g m~ga sacritan. Bahagyâ na siyá sinagot sa báti niyá sa canilá.
--¿Saan co mailálagay ang m~ga gúlay na itó?--ang itinanóng na hindî nagpakita n~g hinanakit.
--¡Diyán..! sa alin mang lugar.--ang sagot n~g "cocinero", na bahagyá na sinulyáp ang m~ga gúlay na iyón, na ang canyáng guinágawa ang siyáng totoong pinakikialaman: siya'y naghihimulmol n~g isáng capón.
Isinalansáng mahusay ni Sisa sa ibabaw n~g mesa ang m~ga talòng, ang m~ga "amargoso", ang m~ga patola, ang zarzalida at ang m~ga múrang múrang m~ga talbós n~g pacô. Pagcatápos ay inilagáy ang m~ga bulaclác sa ibabaw, n~gumitî n~g bahagyâ at tumanóng sa isáng alílà, na sa tingín niya'y lalong magalíng causapin cay sa cocinero.
--¿Maaarì bang macausap co ang párì?
--May sakít—ang sagót na marahan n~g alílà.
--At ¿si Crispin? Nalalaman pô bâ ninyo cung na sa sacristía.
Tiningnán siyá n~g alílang nagtátaca.
--¿Si Crispin?--ang tanóng na pinapagcunót ang m~ga kílay.--¿Walâ ba sa inyóng bahay? ¿Ibig ba ninyóng itangguí?
--Nasabáhay si Basilio, n~guni't nátira rito si Crispin—ang itinútol ni Sisa;--ibig co siyáng makita....
--¡Abá!--anáng alílà;--nátira n~gâ rito; n~guni't pagcatapos ... pagcatapos ay nagtanan, pagcapagnacaw n~g maraming bagay. Pinaparoon acó n~g cura sa cuartel pagca umagang umaga n~gayón, upang ipagbigáy sabi sa Guardia Civil. Marahil silá'y naparoon na sa inyóng bahay upang hanapin ang m~ga bátà.
¡Tinacpán ni Sisa ang m~ga tain~ga, binucsán ang bibíg, n~guni't nawalang cabuluhán ang paggaláw n~g canyáng m~ga lábì: waláng lumabás na anó mang tíni!
--¡Tingnán na n~gâ ninyó ang inyóng m~ga anác!--ang idinugtóng n~g cocinero. ¡Napagkikilalang cayó'y mápagtapat na asawa; nagsilabás ang m~ga anác na gaya rin n~g caniláng amá! ¡At mag-in~gat cayó't ang maliit ay lálampas pa sa amá!
Nanambitan si Sisa n~g boong capaitan, at nagpacáupô sa isáng bangcô.
--¡Howág cayóng manán~gis dito!--ang isinigáw sa canyá n~g cocinero:--¿hindî ba ninyó alám na may sakít ang párì? Doon cayó manan~gis sa lansan~gan.
Nanaog sa hagdanan ang abang babaeng halos ipinagtutulacan, samantalang nagbubulungbulun~gan ang m~ga "manang" at pinagbabalacbalac nilá ang tungcól sa sakit n~g cura.
Tinacpán n~g panyô n~g culang pálad na iná ang canyáng mukhâ at piniguil ang pag-iyác.
Pagdatíng niyá sa dâan, sa pag-aalinlan~ga'y nagpalín~gaplín~gap sa magcabicabilà; pagcatapos, tîla mandin may pinacsâ na siyáng gágawin, cayá't matulin siyáng lumayô.