Nag-anyaya n~g pagpapacain nang isáng hapunan, n~g magtátapos ang Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala n~g bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y siyang dahil na n~g lahát n~g m~ga usap-usapan sa Binundóc, sa iba't ibang m~ga nayon at hanggang sa loob n~g Maynílà. N~g panahóng yao'y lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at talastas n~g ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay hindî nagsásara n~g pintô canino man, liban na lamang sa m~ga calacal ó sa anó mang isip na bago ó pan~gahás.
Cawan~gis n~g kisláp n~g lintíc ang cadalîan n~g pagcalaganap n~g balítà sa daigdigan n~g m~ga dápò, m~ga lan~gaw ó m~ga "colado"[5], na kinapal n~g Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami n~g boong pag-irog sa Maynílà. Nan~gagsihanap ang ibá nang "betún" sa caniláng zapatos, m~ga botón at corbata naman ang ibá, n~guni't siláng lahát ay nan~gag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon n~g caibigan, ó cung magcatao'y humin~gí pang tawad na hindî nacadalóng maaga.
Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala n~gayón, sacali't hindî pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatayô sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdâan, daanan n~g bangcang nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y hindî maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglagô n~g panahón.
May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip.
Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukhâ; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagyâ na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring culay.
Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga araña[19]: at doon sa ibabaw n~g isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na "piano de cola"[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan:
--¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa!
Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.--¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán!--itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.
Halos punô n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae, tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Señora"[25] na nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae?
Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hindî magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî mag-alay sa m~ga española n~g tabaco at hitsô, at magpahalíc n~g canyang camáy sa m~ga filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:
--¡Jesus! ¡Hintay cayó, m~ga indigno[26]!
At hindî na mulíng sumipót.
Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g cauntî. Umaaticabong nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't mahihinà ang voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo n~g dalirî ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî n~g pananamit, nan~gacatalicod camáy at dî umíimic ay nan~gagpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas, tulad sa guinágawâ n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan n~g m~ga botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31].
Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.--Ang isá sa m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa m~ga "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità.
Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang malusóg na pan~gan~gatawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang m~ga pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad na m~ga pan~gá at batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] n~g Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay n~g abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos n~g panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ n~g gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugalî n~g canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga bintíng mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò.
Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatán~gì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano.
--Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano—pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!
--N~guni't....
--Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at n~g dî na macaimíc ang canyang causap—aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga carunun~gan at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't n~g macaraan ang tatlóng taón, n~g aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy n~g curang "indio" roon, nan~gagsipanan~gis ang lahat n~g babae, pinuspos acó n~g m~ga handóg, inihatid nila acong may casamang música....
--Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....
--¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacanin~gas! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at n~g siya'y umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g marami ang umiyác at lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò n~g mainam mamálò at pinataas pa ang m~ga "derechos n~g parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí.
--N~guni't itutulot ninyó sa aking....
--Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito, cung anó ang pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang nan~gin~gibig sa bawa't dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá n~g batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga lupà at doon camí naguíng magcaibigan. N~gayo'y makikita ninyó cung anó ang "indio"; n~g aco'y umalís, bahagya na acó inihatid n~g ilang m~ga matatandáng babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco roong dalawampong taón!
N~guni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán n~g inyong m~ga sinabi sa pagcacaális n~g "estanco n~g tabaco"[54]--ang sagot n~g may mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang sandaling pagcatiguil dahil sa pag-inom n~g franciscano n~g isang copita n~g Jerez[55].
Sa pangguiguilalas n~g dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at:
--¿Paano? ¿paano?--ang sinabi pagcatapos n~g boong pagtatacá.--Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì iyang casíng liwanag n~g ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita, anác n~g Dios, na ang lahat n~g ito'y nagpapatibay na totoo, na pawang cahalin~gán ang m~ga pagbabagong utos na guinágawà n~g m~ga minìstro?
N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa pagtalicód sa canilang lahat halos.
--¿Inaacalà bagá ninyó ...?--ang sa cawacasa'y nagawang tanóng n~g boong catimpian n~g binátà, na tinítitigan n~g boong pagtatacá ang fraile.
--¿Na cung inaacalà co? ¡Sinasampalatayanan cong gaya n~g pagsampalataya sa Evangelio[56]! ¡Napaca "indolente"[57] ang "indio"!
--¡Ah! ipatawad po ninyong salabatin co ang inyong pananalitâ--anang binatà, na idinahan ang voces at inilapít n~g cauntî ang canyang upuan; sinabi po ninyo ang isang salitâ na totoong nacaakit sa aking magdilidili. ¡Tunay n~ga cayang catutubò n~g m~ga dalisay na tagarito ang pagca "indolente," ó nangyayari ang sinasabi n~g isang maglalacbáy na taga ibang lupain, na tinátacpan natin n~g pagca indolenteng ito ang ating sariling pagca indolente, ang pagcáhuli natin sa pagsulong sa m~ga carunun~gan at ang ating paraan n~g pamamahala sa lupaíng nasasacupan? Ang sinabi niya'y ucol sa m~ga ibang lupaíng sacóp, na ang m~ga nananahan doo'y pawang sa lahì ring iyan!...
--¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio!
--Tunay n~ga—ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang binangguit--¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg n~g híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g daigdíg!
--¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba pang lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob!
--¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò!
Nagpasimulâ ang binatang mapulá ang buhóc n~g pagpapalin~gaplin~gap sa magcabicabilà n~g boong pag-aalap-ap.
--M~ga guinoo—ang sinabing marahan—tila mandin tayo'y na sa bahay n~g isang "indio". Ang m~ga guinoong dalagang iyan....
--¡Bah! huwag cayóng napaca magugunigunihin! Hindî ipinalalagay ni Santiagong siya'y "indio," bucód sa roo'y hindî siya naháharap, at.... ¡cahi't náhaharap man siya! Iya'y m~ga cahalin~gán n~g m~ga bágong dating. Hayaan ninyong macaraan ang ilang bowan; magbabago cayóng isipán pagca cayo'y nacapagmalimít sa maraming m~ga fiesta at "bailujan"[58], nacatulog sa m~ga catre at nacacain n~g maraming "tinola".
--Tinatawag po ba ninyong tinola ang bun~gang cahoy na cahawig n~g "loto"[59] na ... ganyan ... nacapagmamalimutin sa m~ga tao?
--¡Ano bang loto ni loteria!--ang sagot ni párì Dámasong nagtátawa;--nagsasalitâ cayó n~g m~ga cahalin~gán. Ang tinola ay ang pinaghalong inahíng manoc at sacá úpo. ¿Buhat pa cailán dumating cayó?
--Apat na araw—ang sagot n~g binatang ga namumuhî na.
--¿Naparito ba cayong may catungculan?
--Hindi pô; naparito acó sa aking sariling gugol upang mapagkilala co ang lupaíng itó.
--¡Aba, napacatan~gì namang ibon!--ang saysay ni Fr. Dámaso, na siya'y minamasdan n~g boong pagtatacá--¡Pumarito sa sariling gugol at sa m~ga cahalin~gán lamang! ¡Cacaibá namáng totoo! ¡Ganyang caraming m~ga libro ... sucat na ang magcaroon n~g dalawang dáling noo[60].... Sa ganya'y maraming sumulat n~g m~ga dakílang libro! ¡Sucat na ang magcaroon n~g dalawang daling noo....
--Sinasabi n~g "cagalanggalang po ninyo"[61] ("Vuestra reverencia"), párì Dámaso—ang biglang isinalabat n~g dominico na pinutol ang salitaan—na cayo'y nanaháng dalawampong taón sa bayang San Diego at cayo umalis doon.... ¿hindî pô ba kinalúlugdan n~g inyong cagalan~gan ang bayang iyon?
Biglang nawalâ ang catowaan ni Fr. Dámaso at tumiguil n~g pagtatawá sa tanóng na itong ang anyo'y totoong parang walang anó man at hindî sinásadyâ.
Nagpatuloy n~g pananalitâ ang dominico n~g anaki'y lalong nagwáwalang bahálà:
--Marahil n~ga'y nacapagpipighati ang iwan ang isáng bayang kinátahanang dalawampong taón at napagkikilalang tulad sa hábitong suot. Sa ganáng akin lamang naman, dinaramdam cong iwan ang Camilíng, gayóng iilang buwan acóng nátira roon ... n~guni't yaó'y guinawâ n~g m~ga púnò sa icagagaling n~g Capisanan ... at sa icágagaling co namán.
Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g camáy n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ:
--¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán!
At sácâ mulíng sumuntóc.
--¡Hindi!--ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón.
Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng na iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya si pári Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata. Tumiguil na sandali ang dalawáng extranjerong nan~gagpapasial, nan~gagtin~ginan, ipinakitang saglít ang caniláng m~ga pan~gil; at pagdaca'y ipinagpatuloy uli ang caniláng pagpaparoo't parito.
--¡Masamâ ang loob dahiláng hindî ninyó binigyán n~g Reverencia (Cagalang-galang)!--ang ibinulóng sa tain~ga n~g binatang mapulá ang buhóc ni guinoong Laruja.
--¿Anó pô bâ, ang ibig sabihin n~g "cagalanggalang" ninyó (Vuestra Reverencia)? ¿anó ang sa inyo'y nangyayari?--ang m~ga tanóng n~g dominico at n~g teniente, na iba't ibá ang taas n~g voces.
--¡Cayâ dumaráting dito ang lubháng maraming m~ga sacunâ! ¡Tinatangkílik n~g m~ga pinúnò ang m~ga "hereje"[62] laban sa m~ga "ministro" n~g Dios[63]! ang ipinagpatuloy n~g franciscano na ipinagtutumâas ang canyáng malulusog ó na m~ga panuntóc.
--¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang mulíng itinanóng n~g abot n~g kilay na teniente na anyóng titindig.
--¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?--ang inulit ni Fr. Dámaso, na lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.--¡Sinasabi co ang ibig cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng catuwirang macapagparusa. ¡At n~gayo'y ang isáng "generalito"[64], ang isáng generalito Calamidad[65]...!
--¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador General) ay Vice-Real Patrono[67],--ang sigaw n~g teniente na nagtindíg.
--¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!--ang sagót n~g franciscanong nagtindíg din.--Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y kinaladcád sana siyá n~g pababâ sa hagdanan, tulad n~g minsa'y guinawâ n~g m~ga Capisanan n~g m~ga fraile sa pusóng na Gobernador Bustamante[69]. ¡Ang m~ga panahóng iyón ang tunay na panahón n~g pananampalataya!
--Ipinauunawà co sa inyó na di co maitutulot ... Ang "Canyang Carilagán," (ó ang marilág na Gobernador General) ang pinacacatawán n~g Canyáng Macapangyarihan, ang Hárì[70].
--¡Anó bang hárì ó cung Roque[71] man! Sa ganáng amin ay waláng ibáng hárì cung dî ang tunay[72]....
--¡Tiguil!--ang sigáw n~g tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay nag-uutos sa canyáng m~ga sundalo;--¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang Carilagán!...
--¡Lacad na cayó n~gayón din, lacad na cayó!--ang sagót n~g boong paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang camáy.--¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...? ¡Lacad na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche!
Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad ay nakialam ang dominico.--¡M~ga guinoo!--ang sabi niyáng taglay ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong nababagay sa m~ga fraile;--huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang m~ga bagay, at howag namán cayóng humánap n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng makikita cayó. Dapat nating ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang m~ga pananalitâ n~g tao sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga pananalitâ n~g sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay hindî macasasakít n~g loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g catotohanan. Sa m~ga pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui: ang m~ga sinasabing "ab irato"[74], ang m~ga sinabing "exore"[75], datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing "in corde". Ang m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g loob: sacali't dating tinatagláy n~g "in meate"[77] sa isáng cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan n~g salitàan, cung mayroong....
--¡N~guni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang m~ga cadahilanan, pári Sibyla!--ang isinalabat n~g militar, na nakikita niyáng siya'y nabibilot n~g gayóng caraming m~ga pag tatan~gitan~gi, at nan~gan~ganib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na may casalanan.--Nalalaman co ang m~ga cadahilanan at papagtatan~giin n~g "cagalan~gan pô ninyo" (papagtatan~gitan~giin pô ninyo). Sa panahóng wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng n~g coadjutor[80] ang bangcáy n~g isáng táong totoong carapatdapat ...; opò, totoong carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at tumúloy acó sa canyáng bahay. Na siya'y hindi nan~gumpisál cailan man, at iyán bagá'y ¿anó? Acó ma'y hindi rin nan~gun~gumpisál, n~guni't sabihing nagpacamatáy, iya'y isáng casinun~galin~gan, isáng paratang. Isáng táong gaya niyáng may isáng anác na lalaking kinabubuhusan n~g boong pag-irog at m~ga pag-asa, isáng táong may pananampalataya sa Dios, na nacacaalám n~g canyang m~ga catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong mapagmahál sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng tao'y hindî nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang m~ga ibáng aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin n~g "cagalan~gan" pô ninyó.
At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ:
--N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na iyón, ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol; tunay n~ga't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà, at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; n~guni't nabalitaan n~g Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay hinin~gi ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong magaling na bayan. Itó n~gâ lamang ang nangyari. N~gayo'y gawín n~g "inyó pong cagalan~gán" ang pagtatan~gitan~gi.
At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón.
--Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay na totoong mapan~ganib ani párì Sibylang may pighatî.--Datapuwa't cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan....
--¡Anó bang pakikinaban~gin! ¿At ang nawáwalâ sa m~ga paglipat ... at ang m~ga papel ... at ang m~ga ... at ang lahát n~g m~ga náliligwín?--ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi macapagpiguil n~g galit.
Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican.
Nan~gagsidatíng ang ibá pang m~ga tao, caacbáy ang isáng matandáng castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig n~g isáng matandáng babaeng filipinang punô n~g culót ang buhóc, may m~ga pintá ang mukhâ at nacasuot europea.
Sila'y sinalubong n~g bating catoto n~g naroroong pulutóng, at nan~gagsiupô sa tabí n~g ating m~ga cakilala ang Doctor De Espadaña at ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y napapanood ang iláng m~ga "periodista"[81] at m~ga "almacenero"[82] na nan~gagpaparoo't parito at waláng maalamang gawín.
--N~guni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung anóng tao cayâ ang may arì n~g bahay?--ang tanóng n~g binatang mapulá ang buhóc.--Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83].
--Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita.
--¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala!--ang isinabád ni Fr. Dámaso,--Si Santiago'y isáng táong mabaít.
--Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ--ang idinugtong ni Laruja.
--¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!--ang sinabi sa malambing na pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico.--¿Paano pô bang matutuclasan pa n~g abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y natuclasan na ito n~g m~ga insíc na malaong panahón na?
[Larawan:.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa ang "Doctora" Doña Victorina ...--Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]
--¿Nang m~ga insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?--ang sabi ni Fr. Dámaso,--¡Tumahán n~gâ cayó! ¡Ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora'y isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co maalaman Savalls, n~g siglong ... ¡icapitó!
--¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì Savalls na iyan—ang itinutol n~g guinoong babae na hindî ipinatatalo n~g gayongayon lamang ang canyang m~ga isipan.
--Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong babae—ang itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya tinítingnan.
--Hindî co maalaman; sinabi ni Fr. Dámasong Savalls: walâ acóng guinawâ cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ.
--¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó n~gayon? ¡Hindî dahil sa isáng letra ay siya'y maguiguing insíc!--ang mulíng sinaysay na nayáyamot ang franciscano.
--At n~g icalabing-apat na siglo at hindî n~g icapitó--ang idinugtóng n~g dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at n~g pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile.
--¡Mabuti, datapuwa't hindî sa paglalabis cumulang n~g isáng siglo'y siya'y maguiguing dominico na!
--¡Abá, howag pô sanang magalit ang cagalan~gán pô ninyo!--ani párì Sibylang n~gumín~gitî.--Lalong magalíng cung siya ang nacátuclas n~g paggawâ n~g pólvora, sa pagca't sa gayo'y naibsan na niya sa pagcacapagod sa gayóng bagay ang canyang m~ga capatíd.
--¿At sinasabi pô ninyo, párì Sibyla, na nangyari ang bagay na iyón n~g icalabíng apat na siglo?--ang tanóng na malakí ang nais na macatalós ni Doña Victorina--¿n~g hindî pa ó n~g macapagcatawáng tao na si Cristo?
Pinalad ang tinátanong na pumasoc sa salas ang dalawang guinoo.
TALABABA:
[5] Colado, ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang piguíng. Maraming di ano lamang sa mañ~ga bayanbayan, at lalonglalo na dito sa Maynilà, ang mañ~ga taong di nating calahì, na hindî man inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa man~ga piguíng nang man~ga filipino, na canilang tinatawag na indio, at ang man~ga taong yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na man~ga colado sa piguíng.--P.H.P.
[6] Ang catutubong mahusay at dî nagbabagong calacarán n~g m~ga linikhâ n~g Dios—P.H.P.
[7] Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog San Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa pagpapaagos na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong bagay, ni D. Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real Audiencia nang una. ¡Salamat sa isáng castílà, sa isáng hindî nating caláhì ay nagcaroon ang Maynílà n~g tubig na totoong kinacailan~gan sa pamumuhay! Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay nagpapamana n~g maraming salapî at mahahalagáng cayamanan sa m~ga fraile ó sa m~ga monja, datapowa't hindî nan~gababalinong magpamana n~g anó mang iguiguinhawa ó magagamit sa pamumuhay n~g caniláng m~ga cababayan. Walâ rin acóng nalalamang nagawáng handóg sa m~ga filipino ang m~ga fraile na macacatulad n~g pamana n~g dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa m~ga filipino cayâ yumaman at naguíng macapangyarihan ang m~ga fraileng iyan.--¡Culang palad na Filipinas!--Nang di pa umaagos ang tubig na inumíng sinabi na ay sa ilog Pasig ó sa man~ga ibáng nacaliliguid sa Maynilà umiiguib nang inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't ang bahay walang algibe ó tipunán n~g tubig sa ulán.--P.H.P.
[8] Ang namamatnugot sa paggawâ n~g anó man edificio. Tinatawag na edificio ang bahay, palacio, simbahan, camalig at iba pa.--P.H.P.
[9] Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.--P.H.P.
[10] Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán n~g lupà na pinagtatamnan n~g m~ga halamang guinágawang pangpamuti, sa macatuwid ay malî ang tawag na "macetas" sa halaman.--P.H.P.
[11] Patun~gán n~g m~ga "maceta" ó pátirican n~g haligue ó ano mang bagay.--P.H.P.
[12] Ang capisanan n~g guinagamit sa pagcaing cuchara, cuchillo, tenedor at iba pa.--P.H.P.
[13] Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapâ pagcatimbuang, ó ang kinahuhulugan ó ang laláy n~g ano mang bagay; datapuwa't dito sa Filipinas, ayawan cung anong dahil, tinatawag na "caida" n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing castila ang macapanhíc n~g báhay.--P.H.P.
[14] Ang panig n~g bahay na pinaglálagyán n~g mesang cacanán.--P.H.P.
[15] Mulíng pan~gan~ganac. Ang panahong nagpasimulâ nang calaghatian nang Siglo XV, na napucaw sa man~ga taong tubò sa dacong calunuran n~g Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat nang m~ga maririkit na guinagáwâ sa una nang m~ga griego at nang m~ga latino—P.H.P.
[16] Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang tungtun~gan.--P.H.P.
[17] Sa convento n~g Antipolo ay may isang cuadrong catulad nitó.--J.R.
[18] Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y pinagagapan~gan n~g m~ga halaman.--P.H.P.
[19] Ang ilawang san~gasan~ga na ibinibiting may m~ga pamuting m~ga cristal na nagkikislapan.--P.H.P.
[20] Isáng papatun~gang cahoy, na catulad n~g papag na mababà ang anyô.--P.H.P.
[21] Cahoy na caraniwang tawaguin n~g tagalog na "Palo-China." Ang cahoy na ito'y caraniwan sa Europa at América. Sumisibol din sa Benguet, dito sa Filipinas, dahil sa malamíg ang sin~gaw roon.--P.H.P.
[22] Natuclasán ang paggawâ n~g "piano" n~g siglo XIII at siyang naguing cahalili n~g "clavicordio" at n~g "espineta." Alinsunod sa anyô at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at isá sa m~ga lalong mahál ang halagá.--P.H.P.
[23] Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang ipinípinta sa pamamag-itan n~g m~ga culay ó pinturang tinunaw sa lan~gis.--P.H.P.
[24] Sambahan n~g m~ga judío.--P.H.P.
[25] Caraniwang tinatawag na Nuestra Señora ang anó mang larawan ni Guinoong Santa María, na halos may dî mabilang na pamagát: Nuestra Señora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra Señora del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Señora de la Correa, cung nacabigkís n~g balát, Nuestra Señora de Turumba, Nuestra Señora de Salambaw at iba pang lubháng napacarami.--P.H.P.
[26] "Hindî carapatdapat" ang cahulugán n~g sabing "indigno," salitang caraniwang sabihin n~g m~ga nacacastiláan.--P.H.P.
[27] Tinatawag na cadete ang nag-aaral sa isáng colegiong doo'y itinutúrò ang m~ga bagaybagay na nauucol maalaman n~g isáng militar.
[28] Taga ibáng lúpà, sa macatuwid ay hindî taga Filipinas ang cahulugán n~g sabing "extranjero." Gayon ma'y dî caraniwang tawaguing "extranjero" ang insíc, ang castílà, ang turco, ang japonés, ang bombay, ang colombo at ibá pa; sila'y tinatawag ditong insíc, castílá, "turkiano," japón, bombay, colombo. Tinatawag lamang "extranjero" ang inglés, alemán, francés, suizo at ibá pa, sa pagca't iniuucol lamang ang sabing "extranjero" sa m~ga man~gan~galacal na may malalaking puhunan.--P.H.P.
[29] Ang bubóng na tablá n~g m~ga sasacyán.
[30] Tinatawag na "paisano" n~g m~ga sundalo ang hindî militar.--P.H.P.
[31] Caraniwang tinatawag na "biscuit" ang biscochong na sa m~ga maliliit na latang nanggagaling sa Inglaterra. Tinatawag dito sa ating "biscocho" ang m~ga malulutóng na tinapay, gaya n~g tinatawag na "biscocho y caña" at "biscocho y dulce," at ang tunay na biscocho'y tinatawag na "sopas" n~g m~ga dî nacaaalám n~g wicang castílà. N~gayo'y gumágawâ na rito sa atin n~g masasaráp na biscochong hindî saból sa m~ga nanggagaling sa Inglaterra, ang La Perla ni G.J.E. Monroy, ang La Fortuna ni G. Claro Ong at ibá pa. Carapatdapat papurihan ang m~ga cababayang itóng naglíligtas sa Filipinas na bomobowís sa m~ga taga ibáng lupaín sa pagbilí n~g m~ga bagay na dito'y nagágawâ.--P.H.P.
[32] Maran~gal na general ni Cárlos V at ni Felipe II. Siya ang nagtagumpáy sa panghihimagsic n~g Paises Bajos at nacalupig sa Fort.--P.H.P.
[33] Ang talaán n~g m~ga oficial at m~ga púnò sa m~ga hucbó.
[34] Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at man~gasiwà sa capanatagán n~g m~ga bayanbayan. N~g panahón n~g Gobierno n~g España'y may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil" ang pan~galan n~g m~ga na sa bayanbayan n~g m~ga lalawigan, at "Guardia Civil Veterana" ang na sa ciudad n~g Maynílà.--Pawang m~ga filipino ang m~ga sundalo n~g Guardia Civil at n~g Guardia Civil Veterana, at m~ga castílà ang m~ga oficial at ang m~ga púnò. Manacánacáng nagcacaroon n~g alferez at tenienteng m~ga filipino. Ang nahalili n~gayon sa Guardia Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia, at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia Civil at Veterana'y may m~ga Cuadrillero pa na pawang filipino ang m~ga sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at talibóng ang m~ga sandata. N~g m~ga hulíng taón n~g Gobierno n~g castila'y nagcaroon sa Maynílà n~g m~ga tinatawag na "Guardia Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang m~ga namamahalà n~g catahimican n~g m~ga namamayan, n~g m~ga hulíng panahón n~g m~ga castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana, ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa m~ga lalawiga'y ang Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag dito sa Maynílà, hindî co matandaan cung n~g taóng 1894 ó 1895.--P.H.P.
[35] Ang nagtuturò sa paaralan.--P.H.P.
[36] Colegio ó paaralang m~ga fraileng dominico ang may-arì at silá rin ang nan~gagtuturò.
[37] Tinatawag na "dialéctico" ang gumagamit n~g dialéctica. Ang "dialéctica'y" ang carunun~gang ucol sa pag iisip-ísip at ang m~ga pinanununtunang landás sa bagay na itó.--P.H.P.
[38] Si Santo Domingo de Guzman ang nagtatag n~g capisanan n~g m~ga fraileng dominico cayá sila'y tinatawag na m~ga anác ni Guzman.--P.H.P.
[39] Ang nananatili sa pakikipanayam sa sangcataohan; ang hindî sacerdote.
[40] Ang nagpápalagay n~g m~ga paláisipang dapat sagutin at tutulan sa pan~gan~gatowiran n~g catalo.
[41] Ito'y ang balitang si G. Benedicto de Luna, marunong na abogadong filipino.
[42] Ang pagtatan~gî at pagbubucod n~g pinagmamatuwirang anó man.
[43] Ang m~ga inanác ó iniapó n~g m~ga unang senador sa Roma.
[44] M~ga fraile.
[45] Si Enrique Heine ay bantóg na poeta at crítico alemán. Sumulat sa wicang alemán. Ipinan~ganác n~g 1796 at namatáy n~g 1856.
[46] Ang m~ga dios sa pinagtapunan.
[47] Ang Tyrol ay isáng magandáng panig n~g Suiza at Baviera at isá sa m~ga lalawigan n~g Austria-Hungría. May siyam na raang libong tao ang namamayan doon.
[48] Tinatawag na equinoccio ang pagcacaisá n~g hábà n~g araw at n~g gabí. Nagcacaequinoccio pagpapasimulâ n~g signo Aries at pagpapasimulâ namán n~g signo Libra. May equinoccio n~g tag-araw, mulâ sa 20 hanggang 21 n~g Marzo, at may equinoccio n~g tag-ulan, mulâ sa 22 hanggang 23 n~g Septiembre.
[49] Halos talós n~g lahát n~g fipinong ang cahulugán n~g "morisqueta" ay canin; n~guni't ang walâ marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hindî wicang castilà, hindî tagalog, hindî latín, hindî insíc at iba pa. ¿Ang m~ga fraile cayâ ang nagtatag n~g salitang iyan?
[50] Sinabi co na sa sa isá sa m~ga paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimulâ n~g librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay m~ga pulóng na sa panig n~g libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig n~g libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio n~g m~ga fraile, n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing putî sa m~ga túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutyâ sa m~ga lahing caymanggui. Caacbáy n~g sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, han~gal, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pan~git, waláng cahihiyan at iba pang lalong m~ga casamasamâan. Sacsí nitóng m~ga sabi co ang m~ga sinulat n~g m~ga fraile't castilà tungcol sa Filipinas. N~guni't ang lalong nacatátawa'y ang m~ga táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maputî ang caniláng balát ay tumatawag sa capowâ tagritong caymangui n~g indio ... ¡M~ga dukhang damdamin!--P.H.P.
[51] Ito'y lubós na catotohanan. Ang sumusulat nito'y nacapan~gumpisal n~g panahóng cabataan pa sa isáng fraileng palibhasa'y bahagyâ n~g macawatas n~g wicang tagalog, ipinipilit na ang casalanang ikinucumpisal ay sabihin n~g nan~gun~gumpisal sa m~ga salitáng cahalayhalay at magagaang na sa Diccionariong wicang castilà at wicang tagalog na sinulat n~g caniláng capowà fraile.--P.H.P.
[52] Ang m~ga sinisin~gíl sa binyag, casal, tawag, libíng, campana, ciriales at iba pa.
[53] Ang caraniwang tinatawag na "manong" ó "manang", galing sa salitang "hermano", "hermana". May dalawang bagay na manong, ang manong na franciscano ó franciscana at manong na dominico ó dominicana.
[54] Dating estancado ang tabaco dito sa Filipinas. Ang Gobierno n~g España ay siyang namímilì n~g tabacong dahon sa m~ga magsasacá sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco, ang Gobierno ang nagpapadalá dito sa Maynílà siya ang nagpapagawa n~g tabaco at cigarrillo at siya rin ang nagbibilí. Sino ma'y walang nacabibilí n~g tabacong dahon cung dî ang Gobierno at sino ma'y walang nacapagbibilí n~g tabacong dahon, n~g tabacong yarì at n~g cigarrillo cung dî ang Gobierno. Sa m~ga bayang may pahintulot na magtaním n~g tabaco'y may m~ga cagawad ang Gobierno, na siyang nan~gan~gatawa't n~g gumalíng ang taním na tabaco at mag-ani n~g marami. Ang Gobiernong mamimili ay siya ring nagháhalaga n~g tabacong dahong canyang biníbili. N~g taóng 1883 ay inalís dito sa Filipinas n~g Gobierno n~g España ang estanco n~g tabaco at binigyang calayaan ang lahat na macapagtaním at macapagbilí n~g tabacong dahon, tabacong yarì ó cigarrillo, at ang inihalili sa estanco ay iba't ibang bagay na pagpapabowis sa m~ga tagarito.--P.H.P.
[55] Alac na Jerez, na nanggagaling sa uvas na inaani sa bayang Jerez de la Frontera, na sacop n~g lalawigang Cadiz, caharian n~g España. Ang bayang iyo'y mayaman, nasa tabí n~g ilog Guadalete at may 62,009 ang nananahang tao.--P.H.P.
[56] Tinatawag na Evangelio ang m~ga sinulat ni San Mateo, San Lucas, San Marcos at San Juan. Ang m~ga sinulat n~g apat na Santong itó, na dî iba cung dî ang casaysayan n~g m~ga ipinan~garal at buhay ni Jesucristo, ang siyang pinagpapatuunan n~g m~ga utos at palatuntunan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana, n~g Iglesia Cismática sa Rusia at sa Grecia, n~g Iglesia Protestante at n~g Iglesia Filipina Independiente.--P.H.P.
[57] Ang cahulugan n~g sabing indolente ay ang táong hindî napupucaw ang loob sa m~ga bagay na sa iba'y nacasakit. Ang walang malasakit sa ano man, ang mabagal, ang tamád.
[58] "Bailujan," galing sa sabing "baile," sayáw. Ang baile ay wicang castilà. Ang "bailuhan" ay hindî guinagamit n~g m~ga fraile at n~g m~ga castilà dito sa Filipinas cung dî ang sabing "baile" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g capowà castílà, at "bailujan" pagca ang sayawan ay sa bahay n~g m~ga filipino. Sa maiclíng sabi, ang cahulugan n~g "bailujan" ay sayáw na carapatdapat cutyaín, catawátawá, waláng cahusayan.
[59] Ang "loto" ay isáng cahoy sa Africa. Anang m~ga poeta, ang taga ibang lupaíng macacain daw n~g bun~ga n~g "loto" ay nacalilimot sa canyang kinamulatang bayan.
[60] Sa macatuwid baga'y sucat na ang magcaroon n~g caunting pag-iisip.
[61] Caugalian sa m~ga castilang hindî "usted" (cayó pô) na guinagamit sa caraniwan, cung dî "Vuestra Reverencia" ó "Vuesarevencia" (sa cagalanggalang pô ninyo) ang siyang ibinibigay na galang sa m~ga fraile sa pakikipag-usap sa canila.
[62] Ipinan~gun~gusap n~g "ereje," sa pagca't sa wicang castila'y hindi isinasama ang h sa pagbasa. Tinatawag na "hereje" ang cristianong sumásalansang ó hindi sumasampalataya sa m~ga pinasasampalatayanan n~g Iglesia Católica Apostólica Romana.--P.H.P.
[63] Ang kinácatawan n~g Dios.
[64] Maliit na general; sa macatuwíd baga'y waláng halagang general.
[65] Maliit na general Capansanan.
[66] "Su excelencia" sa wicang castila, paunlác na tawag sa Capitan General at sa iba pa n~g m~ga castila.--P.H.P.
[67] Pan~galawa n~g Real Patrono. Tinatawag na Real Patrono n~g Iglesia Católica Romana ang Harî sa España. Haring tagatangkilic ang cahulugan sa wicang tagalog—P.H.P.
[68] Hindî acó nasísilong cahi't siya'y pan~galawá man n~g harì--ang ibig sabihin ni Pári Dámaso.--P.H.P.
[69] Mulà sa taóng 1717 hangang 1719 ay naguíng Gobernador General sa Filipinas si Don Fernando Bustamante. Sa pagca't canyáng napagunáwà ang malaking m~ga pagnanacaw sa pamamanihalà n~g salapî n~g Harì, minagálíng niya ang magtatag n~g m~ga bágong utos sa pamamahalâ n~g salapî n~g calahatán. Pinasimulán niyáng kinulóng sa bilangguan ang m~ga taong pinaghihinalàan; sila'y canyáng pinag-usig sa haráp n~g m~ga tribunal. Galít na galít cay Bustamante ang m~ga may matataas na catungculang sa ganito'y nan~gagsipan~ganib na mapahamac, at sa gayóng cahigpita'y hindî nan~gabihasa cailán man. Sa pagcá't nabalitàan ni Bustamante ang panucalang manghimagsic laban sa canyáng capangyariha't pamamahálà, at tinatangkílic n~g m~ga fraile sa caniláng m~ga simbahan ang lalong m~ga kilaláng mahihigpít niyáng m~ga caaway, naglathalà siyá n~g pagtawag sa lahát n~g m~ga lalaking may mahiguít na labíng apat na taón upang man~gagsipanig sa hucbòng magsasanggaláng sa capangyarihan n~g Harì. Dinin~gíg n~g bayan ang pag tawag na iyón, at nátatag ang isang hucbó n~g m~ga cusang pumasoc sa pagsusundalo. Nan~gagsifirma ang Arzobispo at iláng m~ga abogado sa isáng casulatang doo'y itinututol na waláng capangyarihan at waláng catowiran daw si Bustamante na ipag-utos ang pagpapabilangô sa notariong si Osejo, na tumacbò at nagtagò sa simbahang Catedral: dahil dito'y ipinag-utos n~g Gobernador General na dacpín at ibilanggô ang arzobispo at gayon din ang m~ga abogadong cainalám sa gayong panucalang catacsilan.--Pinanggalin~gan ang m~ga pagpapabilanggong itó n~g iba't ibang m~ga caguluhan, at sa tacot n~g m~ga fraileng bacâ síla namán ang pag-usiguin, minagalíng nilá ang silá ang mamatnugot sa m~ga lumálabag sa capangyarihan n~g Gobernador.--Lumabás sa m~ga simbahan ang m~ga nagtatagò roon, nagdalá n~g m~ga sandata, at n~g macasanib na sa canilá ang iláng m~ga tagarito, lumacad silá't ang tinun~go'y ang palacio n~g Gobernador, na n~g panahóng iyó'y na sa taguilirang ilaya n~g tinatawag n~gayóng Plaza ni William McKinley. Nan~gun~guna sa paglacad ang m~ga fraile na may m~ga hawac na Santo Cristo sa caniláng m~ga camáy. Nang maalaman ni Bustamante ang gayóng panghihimagsic, ipinag-utos sa canyáng m~ga guardiang barilín ang m~ga nanghihimagsic na iyón; datapuwa't hindî sumunód sa canyáng utos ang m~ga sundalo, at n~g dumating ang m~ga nanghihimagsic sa tapát n~g palacio, isinucô nilá ang caniláng m~ga sandata sa haráp n~g pagca damít sacerdote n~g m~ga fraileng nán~gagtaás ang m~ga camay na may hawac na m~ga Santo Cristo at m~ga larawan n~g Santo. Pinabayaan din n~g m~ga sundalong alabardero na silá'y macapasoc. Lumabás ang cahabaghabag na si Bustamanteng may sandatang hawac, at sinalubong sa hagdanan ang m~ga nanghihimagsic. Hinandulong siyá n~g m~ga nanghihimagsic at sa sandali lamang ay may sugat na siyáng malubha. Dumaló sa canyá ang canyang anác na lalaki, at itó nama'y agád binaril at nasugatan n~g bála. Kinaladcad n~g m~ga nanghihimagsic ang canilang Gobernador na naghihin~galó hanggang sa isáng bilangguang na sa silong n~g Audiencia, at doon siya namatáy n~g magtatakip silim n~g hapon n~g araw ring iyong ica 11 n~g Octubre n~g 1719; ipinagcaít sa canyá ang lahát n~g saclolo at hindi siyá binigyán n~g isá mang lamang vasong tubig. Kinaladcád namán ang anác n~g Gobernador General sa talian n~g m~ga cabayo sa palacio, at doon siya namatáy n~g hapon ding iyón, at ipinagcáit sa canyáng macaguibíc ang sino man manggagamot at itinangguí sa canyá ang lahat n~g bagay na saclolo. Ang m~ga nanghimagsic na pinamunuan n~g m~ga fraileng pumupuri at nagpapaunlac sa m~ga pumatáy sa Gobernador at sa canyáng anác ay nan~gagsitun~go sa cúta n~g Santiago at doo'y kinuha at pinawalán ang arzobispo, na pagdaca'y siyá, ang nagatang sa sarili n~g catungculang pagca Gobernador General sa Sangcapuluang itó. Hindi nagcamít parusa cailan man ang m~ga cakilakilabot na katampalasanang ito.--Sinipi sa "Censo de las Islas Filipinas" n~g 1903, tomo I, página 342—P.H.P.
[70] "Su Majestad el Rey" sa wicang castilà. Masasabing: "ang Macapangyarihan Harì."
[71] Sa matuwid bagá'y hindi niya pinahahalagahan ang taong sinasabi n~g Teniente.
[72] Aayaw kilalanin n~g m~ga fraile si Alfonso XII, na n~g panahong sinasabi sa "Noli me tangere" ay síyang hari sa España, cung di si Cárlos de Borbón na naghahan~gad na siyáng maghari sa m~ga castilà. Dahil sa paghahan~gád na ito'y silasila ring m~ga castilà ang nan~gagsipagbaca, at maraming dugò ang nabuhos. Ang unang nacabaca n~g reina Cristina at n~g reina Isabel II ay si Cárlos de Borbón, capatid ni Fernando VII; isinalin niyá pagcatapos ang tinatawag niyang catuwiran sa Corona n~g España sa canyáng anác na si Cárlos Luis, na nagpamagat n~g Conde de Montemolin at haring Cárlos VI, na siyang muling nagsabog n~g caligaligan, dugô at m~ga capahamacan sa España, sa isang manin~gas na pagbabaca at n~g siyá'y matalo'y omowi sa Trieste at doon namatáy n~g 1861.
Humalili cay Cárlos Luis ang canyang capatíd na si Juan Borbón, n~guni't walà itóng nagawáng may cahulugán.
Ang anác ni Juang nagn~gan~galang Cárlos at nagpamagát n~g haring Cárlos VII ang siyang nagpatuloy n~g pagbabaca, sa udyóc at tulong n~g m~ga fraile at macafraile. Pinasimulán ang icatlong pagbabaca sa Españang m~ga capowa castila rin ang nagpatayan, n~g 8 n~g Abril n~g 1872. N~g panahong iyó'y maraming totoong salapi ang ipinadaláng galing sa Filipinas na handóg n~g m~ga fraile cay Cárlos, datapuwa't wala ring kinahinatnan ang pagpupumilit nitó, n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraile, cung dî magsabog n~g dugong calahi at papaghirapin n~g di ano lamang ang España. Natapos ang pagbabaca roon n~g 27 n~g Febrero n~g 1876, araw na ibinalic ni Cárlos sa Francia. Ang pinacamabuti sa m~ga general nito'y si Zumalacárregui at si Cabrera. Cumilala at sumuco si Cabrera sa haring Alfonso XII n~g taóng 1895. Cung pamagatán si Don Cárlos n~g m~ga castila'y "Cárlos Chapa."
Marahil ibiguin n~g m~ga bumabasang maalaman cung ano ang dahil n~g pagbabacang ito, na nagpasimula n~g 2 n~g Octubre n~g 1833 at nagtapós n~g 27 n~g Febrero 1876, at aking sasabihin sa maicling salitâ:
Bago pa lamang nacacawalâ ang España sa capangyarihan n~g m~ga francés, ay nagpasimulâ na ang panúcalà n~g m~ga fraile at n~g m~ga macafraileng papanumbalikin doon ang pagtatatag ulî n~g "absolutismo"; sa macatuwid baga'y ang capangyarihan n~g haring magawâ ang bawa't maibigan, at manumbalic ang "tribunal n~g Inquisición." Hindi pumayag si Fernando VII sa gayóng balac, at sa gayó'y kinagalitan siya at minagaling n~g m~ga fraileng sa canyá'y mahalili ang canyáng capatid na si Cárlos María Isidro de Borbón, na nan~gacong cung siya ang maguiguing harì ay gagawin niya bawa't ibiguin n~g Papa at n~g m~ga fraile. Bago namatáy si Fernando ay gumawa itó n~g testamentong isinasalin niya ang canyáng corona sa canyáng anác na babaeng si Isabel. N~g mamatay si Fernando VII n~g 29 Septiembre n~g 1833 ay nahahanda na upang bacahin ang hahaliling reinang si Isabel II, na sa pagca't musmós pa noon, ang namamahalà n~g caharia'y si reina Cristinang nabao cay Fernando VII, at n~g icatlóng araw n~g pagcamatay nitó'y pinasimulaan na n~gâ ang pangguguló sa España ni Cárlos, na tinutulun~gan n~g papa, n~g m~ga fraile, n~g lahat n~g m~ga párì at n~g canilang m~ga cacampi.
N~gayóng m~ga panahóng itó'y mahinang mahinà na ang carlismo sa España, at sila sila'y nagsisirâan. May nan~gagpapan~galang "integrista" na siyang nan~gag-iibig n~g "absolutismo" at n~g "inquisición," at "mestizo" ang itinatawag nila sa sumasang ayon sa calagayang dalá n~g panahón at ayaw sa "inquisición" at sa "absolutismo." N~gayo'y macucurò na cung bakit aayaw kilalanin n~g m~ga fraileng hárì nila si Alfonso XII at si Alfonso XIII man; n~guni't ang sawicain n~ga n~g m~ga castilà'y "á la fuerza ahorcan" (sapilitan ang pagbitay). Aayaw man sila'y sapilitang nilálagoc ang apdóng handóg n~g catuwiran at n~g catotohanan.--P.H.P.
[73] Sa canyáng calagayan ó sa canyáng sarili.
[74] Sa galit ay nabiglaanan.
[75] Sa bibíg lamang.
[76] Mulâ sa púsò, taimtim sa púsò.
[77] Na sa pag-iisip.
[78] Sa isáng pagcacataón, hindi sinasadya.
[79] Sa pagcacataon at sa ganáng akin.
[80] Ang páring catulong n~g cura. N~g panahón n~g Gobierno n~g España, halos ang lahat n~g paring filipino ay pawang coadjutor lamang ang naaabot na catungculan; bihirang bihirà ang naguiguing cura, at ang caraniwa'y m~ga fraile ang naguiguiug cura; caya't ang lahát n~g m~ga cura halos sa sangcapuluang ito'y pawang m~ga fraile. Aliping mistulà ang pagpapalagay n~g m~ga curang fraile sa m~ga coadjutor na filipino. Salamat sa revolucióng guinawa n~g Katipunang tatag ni Gat Andrés Bonifacio'y nahan~gò ang m~ga paring filipino sa gayóng caalipinan; datapuwa't hanggá n~gayò'y walá isá man lamang sa m~ga paring filipinong nacacagunitang magpaunlác cay Gat Andrés Bonifacio. Cahimanawarì sila'y man~gáguising sa panahóng hináharap. ¡Wala n~g carimarimarim na púsong gaya n~g di marunong tumumbás sa utang na loob!!!]
[81] Ang sumusulat n~g m~ga inilalathala sa m~ga periódico ó pámahayagan.
[82] Ang may almacen ó tindahan. Tinatawag ding almacenero ang catìwala sa pag-iin~gat n~g m~ga camalig na ligpitan n~g anó man, ó ang isáng catungculan sa Gobiernong ganito ang pan~galan.--P.H.P.
[83] Caugalìan n~g m~ga taong may pinag-aralang cung pumapanhic silá sa bahay n~g isang hindî cakilala, ang siya'y iharap sa maybahay n~g isáng cakilala nitó at sabihing:--"May capurihan po acóng ipakikilala sa inyó si guinoong Fulano."--P.H.P.
[84] Ang monje Bernardo Schwart, alemân, na siyáng nacátuclas n~g pag-gawâ n~g pólvora n~g siglo XIV.--P.H.P.