Isa Pang Bayani · Juan Lauro Arsciwals

Chapter 9: Kabanata 9

Tatlong buwan ang lumipas buhat nang m~ga huling pangyayari.

Sa tulong n~g malaking pagsisikap n~g m~ga manggagamot, ang buhay nila Pablo at Gervasio ay nailigtas sa kamatayan.

At si Mauro at ang kasama naman nito sa pagamutan, pagkatapos n~g may mahigit na isang linggong paggamot sa m~ga sugat nila, ay mayroon nang dalawang buwan naman sa Bilibid, na naghihintay n~g araw n~g paglilitis.

Ang ilan sa m~ga kasama pa nila ay pinakawalán na ring matagal, pagkatapos na makunan muna n~g ilang; m~ga tanóng na siyang ihaharap na, saksi sa araw n~g paglilitis.

Ang ilan sa m~ga kasama naman nila Gervasio at Pablo ay gayon din; ang m~ga sagot nila at salaysay, ay siyang gagawing katibayan naman n~g paguusig sa sakdal na nalalaban sa dalawa ni Mauro. ...................................................................... ...................................................................... ...................................................................... ......................................................................

Ang araw n~g paglilitis ay sumapit.

At ang maluwang na bulwagang yaon n~g Hukumang Unang Dulugan ay napuno sa dami n~g taong nanoód n~g paglilitis.

Si Serafina, asawang kulang palad ni Mauro at sampu n~g tatlong anák nila ay kasama sa Hukuman, upang makita man lamang at makausap ang asawang sa loob n~g panahong ikinapiit muna sa Bilibid ay hindi man nangyaring kausapin.

Sa Hukuman n~ga ay doon niya pinaroonan, nang malamang sa araw na yaon gagawin ang paglilitis sa kanyang asawa.

Sa pamamagitan n~g m~ga abuloy na tinanggap niya sa maraming kaibigan at kakilala nilang mag-asawa, at gayon n~g buhat sa m~ga kamaganakan nila, ay nangyaring si Serafina ay makakuha n~g isang abogado upang magtanggol sa usapin ni Mauro sa harap n~g Hukuman.

Sa haráp n~g kagalanggalang na Hukom ang lahat n~g kailan~gan ay ginawa at isinakatuparan n~g Tagausig-sala, at gayon din n~g Tagapagtanggol sa dakong nauukol sa kanyang tungkulin ...

Ang paglilitis ay natapos. Subali't ang Hukuman ay hindi nagpasya. Ipinagpaliban ang kanyang hatol, upang sa mataman niyang pagsusuri ay idaan ang lahat.

Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina, ay maraming pagod muna ang ginugol n~g m~ga bantay; sapagka't si Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noón ay isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay.

--¡Katitiís ka, asawa ko...!--ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang sumasakáy na sa "ambulancia."

--¡Mauro! ¡Mauro!--ang sigaw naman n~g kaawaawang babai.

--¡¡Tatay!! ¡¡Tatay!!--ang habol naman n~g m~ga anák.

--¡Huwag kayong man~gahapis!--ang sa wakas ay nasabi na lamang ni Mauro sa boong pagdaramdam.

At ang sasakyang ay matuling tumakbo.

At si Serafina at ang kanyang m~ga anák ay nagsiuwi na rin.

¡¡Kaawaawang magiiná!!


Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim.

At hindi lamang yaon. Kundi ang may pagawaan, sa pagsasamantala marahil sa gayong m~ga pagkakataon na walang magagawa ang alin mang kilos na gawin n~g m~ga manggagawa nila, ay ipinagbawal pa sampu n~g pagtatatag n~g anomang kapisanan sa loob n~g pagawaan. Ibinaba pang muli ang halagang mababa na, na kanilang itinanggap sa bawa't "vitola" at ang lahat nama'y walang kibong sumunod at yuko ang ulong tumalima sa gayong m~ga bagong utos at kapalakarang pinaiiral n~g may pagawaan.

Silang lahat ay walang magawa. Sapilitang sumailalim sila sa lahat n~g bagay na magalin~gin n~g puhunan ...

Ang pagsisisi, ang paghihimutók n~g lahat at pagsusumpaan ay dumating.

At ang lahat sa katayuan nila n~gayon, ay nagbibigay matwid kay Mauro sa m~ga pagmamatigas nito noón, at sa lahat n~g m~ga ginawa niya sa pagtataguyod n~g aklasan.

Subali't ang lahat ay huli na. Nagawa na nila ang malaking pagkukulang; naganáp na ang napakalaking pagkakasalang magagawa n~g sinoman sa haráp n~g isang dakilang layon at adhika.

¡N~gayon nila natutuhang panghinayan~gan ang m~ga pagsusumikap ni Mauro...!

¡Oh...! Ang pagsisising Hudas ay sumapit na sa m~ga taksil at walang pusong m~ga manggagawang yaon!

¡Datapwa't wala na silang magagawa! ....................................................................... ....................................................................... ....................................................................... .......................................................................

At ang araw n~g paghatol ay dumating.

At ang minarapat n~g Hukuman, pagkatapos na mapagaralan n~g boóng pagiin~gat ang m~ga pangyayari at naging sanhi n~g sigalot na namagitan sa nasasakdal at ang pagkakasugat nitó sa dalawa, ay ipinasyang mabilanggo n~g siyam na buwan at isang araw si Mauro at ang kanyang kasama ay tig-aanim na buwan naman.

--¡Siyam na buwan at isang araw!--ang napabulalás na sabi ni Serafina, pagkarinig sa hatol, at sabay na nanan~gis.

--Huwag mong ikahapis ang pagkabilanggo ko, ni ang katagalan n~g araw na ipaglulumagak ko sa bilangguan ...--ang wika ni Mauro sa kanyang asawa sa buháy na tinig—alalahanin mo, asawa ko, na isang dakilang simulain ang ipinagtatanggol natin, at ang simulaing itó, sa malao't madali ay inaasahan kong magwawagi sa ibabaw n~g lahat. Sa harap n~g m~ga batás ay maaaring ako'y nagkasala; datapwa't sa haráp n~g aking bayan at sa haráp n~g aking budhi ay malinis ang aking pagkatao ...

--¡Mauro! ¡Mauro! ¡Ang m~ga anák mo!--ang panan~gis ni Serefina.

--Sa iyong katalinuhan ay ipinagkakatiwala ko sila.

At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na ambulancia....

At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo.

Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya.

¡Oh, ang tadhana!

At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga pan~gun~gusap na itó:

--M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang ang inyong amá ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitiís at pan~gun~gulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila. Kinakailan~gan pang magkaroon n~g maraming magtitiís n~g hirap sa ikatutubos n~g lahat, at kailan~gan pang magkaroon n~g maraming Kristong magpapakasákit sa katubusan n~g madla.

Sa mapupun~gay na m~ga matá ni Serafina ay dalawang masakláp na luha n~g pagdaramdam ang nagunahang sumun~gaw.

Pinakayapós na mahigpit ang tatlo niyang anák at pagkatapos ay pinaghahagkan n~g boong giliw at boong pagmamahal.

WAKAS

MGA MALI SA PAGKALIMBAG

Mukha: Talata: Nababasa: Dapat Basahin:

XI 2 kahalán laga kahaláhalagá XI 5 nnoman anoman 1 7 matanda't bata matatanda't bata 14 2 Botika Morelos. Botika Morelos 14 6 n~g dako n~g panulakan dako n~g panulukan 24 2 n~g laha,. n~g lahat. 24 3 tumaganap lumaganap 24 12 n~g gayon n~g gayong 24 13 tumayo at tumayo 24 21-22 katahimikan. katahimikan 25 9 upang kalamigang upang ang kalamigang 30 22 manggawa magagawa 31 3 nakabukás ang nakabukás 32 12 u~g boong katawan n~g boong katawan 49 11 nay Pagawaan may Pagawaan 55 17 at kung kahit at kung bakit 61 8-9 itaitagal itatagal 63 12 gagagawing kalasag. gagawing kalasag. 63 16 Dinun~gaw si Seraflna Dinun~gaw ni Serafina 64 7 ipinatuloy pinatuloy. 71 7 naguntos; naguutos; 77 15 ikabaw ibabaw 79 1 tabakero tabako 80 24 ¿Kun gayon, ¿Kung gayon, 81 12 sumpal!... sumpa!... 81 16 aag ang 94 1 sisanabi sinasabi

Mga Aklát ng Sumulat Nito

"Bagong Magdalena"...............P 0.20 ang isá "¡Sakim na Magulang!"............ 0.40 " "Lalaking Uliran" ó ¿Tulisan?.... 0.40 "

[Patalastas]

The end.