Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting · José R. Francia

Chapter 5: Kabanata 5

At ganoon n~ga ang nangyari.

Tapus nang kumain ang lahat, ay tinawag n~g matanda sa gawing labas n~g kamalig si Ambo at sarilinang nag usap. Tinawanan n~g ilán.

Pinulsuhan muna si Ambo, binasá n~g tubig ang batok at saka pínagsabihan:

--Ang hatol ko sa iyo ay magliguíd ka n~g magliguíd dian sa walong pilapil na yaan, sabay na itinuro ang m~ga pilapil, na pag dating mo dito'y patuloy ka pa n~g patuloy hangang patiguilin kita. Ako nama'y kukuha n~g iinomín mong gamot na ewan ko lamang sa baat n~g aking salokot na nasa kamalig.

Ang hinatulan ay walang liwag na sumunod. Líguid-ke líguid sa m~ga pilapil at sa sikat n~g mainit na araw samantala'y sa loob n~g kamalig ay naghihinugang ang tawanan n~g lahat.

Hindi naluatan at dumating si Angue, na kayâ natagalan n~g pag sunod ay nag bayo muna n~g palay na kakanin nila nag saing at nag pakain muna sa kaniang m~ga anak. Nakita nia ang kaniang asawa sa guitnà n~g bukid at sa pagkaawà, palibhasà baga'y asawa ay nagmakaamong lumuluhod at tumatan~gis sa matanda, na ania'y patawarin ang kaniang asawa. Kayâ naman na ululan pa mandin ang tawanan n~g lahat, na nanonood.

--Ibig mo bang gumaling sia?--ang tanong n~g matanda sa nananan~gis.

--Opò, ay huag mo po namang pahirapan at ...

--Angue;--ang tugon n~g matandà;

Pag ang sakit ay masamá
ang gamot malaking lubhâ,
Pag ang sakit ay maliit
ang gamot ay gaga hanip.

--At tunay bang ibig mong gumaling ang asawa mo? ang patuloy na tanong n~g matandà.

--Talaga pong ganoon, mahirap po lamang ang ...

--Mahirap n~ga ang mabawo....

--Ah! hindi po ... hindi po yaan ang ibig kong sabihin.

--Hindi pala eh ... anó?

--Mahirap po anakin ang iniong gamot na hatol sa kania.

--Yaan ang mabuting papawis ...! sa katawan; hindi delikado sa han~gin, bukod sa ... walang gasta kahi't ga kusing man. Makita mo't kapag araw-araw ay pinapag-liguid mo ang iyong asawa na mag araro baga, ang ibig kong sabihin ay bukod sa kayo'y mag kakabukid ay gagaling pa ang kaniang katawan palibhasa'y papawisan. Naku Angue!... Baka akala mo'y kakaunting sakit ang nakukuha n~g pawis ...! Hindi kakaunti, at siang lalong tumpak na gamot sa sakit na yaang "Asno—Tamardillo".

--Ay ano po ba sa wika tagalog ang "asno tamardillo"?... Wari ko po'y ibang wika iyan? ang sabad n~g isang kaharap.

--"Asno", iisaisahin ko sa iyong kahulugan ay tawong linalang n~g P. Dios. at pinaalis sa bayang Paraiso n~g magkasala sa pagkain n~g bun~gang bawal at sinumpa n~gang sinabi sa kania.

Yaman n~gang sa Akin íkaw nag suail
kaya buhat n~gayon at sa haharapin
sa pawis n~g noo mo'y iyong kukunin
ang iyong kakanin at ipakakain,

at simula n~ga noo'y naparam ang ginhawa nakaramdam na sila n~g gutom at nag isip n~ga n~g paraang ikabubuhay, na ito'y ang pagtatanim n~g m~ga halaman.

--At ano pong guinawa, kaya n~g nunong Adan? ang tanong naman n~g tininting Isiro.

--Nag isip pong bungkalin ang lupa upang mag tanim; at sa ganito n~ga'y natamo nia ang bun~ga n~g lahat niang halaman at sia niyang ipinakain sa asawang Eva sanpon sa lahat niang inianak. Kaya Tingting Isiro; ang iniong pagbubukid ay talagang kapuri-puring gawa sapagka't siang kaunaunahang natuklasang pangbuhay sa m~ga tawo, at hangang n~gayo'y sia pa ring ikabubuhay at ikabubuhay n~g lahat n~g bayan sa Sangsinukuban, munti at malaki man, dan~gang dito sa atin ay waring napapabayaan.

Samantala'y patuloy pa si Ambo n~g pag liliguid sa bukid.

--Ay ano po naman ang tamardillo?--ang ulit n~g kausap.

Ang "tamar" ay tamad, hindi masipag, ayaw gumawa, at "dillo" ay tinadtad, anhin mo'y pikadillo; sapagka't ang tawong tamad ay talagang tinatadtad n~g pintas at pula n~g kapua tawo; at ipaghalimbawa nating tayo n~ga'y makakitá n~g isang tawong malakas at walang karamdaman n~guni't nagaansikot, ayaw gumawa o mag paupa ay pinupuri kaya ninoman? Kung makakita kayo, n~g walang gawa kundi maglagalag, maglan~go, o magsugal na lamang ay anong maitatawag ninyo? Kung may makita tayong isang salantang wari pilihot ang m~ga paa na lumapit sa ating pintuan at humin~gi n~g limos, atin naman lilimusan alang-alang sa salanta, n~guni't pagkapalayo ay matuid pa't magara kay sa atin kung lumakad, at kung m~ga araw n~g linggo'y makita nating nagpapatalo n~g salapi sa sabun~gan o sugalan, anong inyong maitatawag?

--Tamad!... tamad! magdaraya!.. ang ulitan n~g lahat.

--Ganian n~ga; at walang ibang maitatawag ang sinoman,--ang ulit n~g matanda.

--Sia n~ga!... ang ulitan n~g m~ga kaharap. Dapat n~gang paniwalaan at siang totoo ...

--Ako'y nagtataka kay Tandang Tacio, sa gayong katulisan n~g unang dako ay n~gaio'y mabait na't masípag at ang naguiguing aliwan na lamang niya ay magsistí--ang saló naman n~g isa.

--Sia'y uliran na, na dapat gawin ni Ambo at n~g m~ga iba dian na talagang tamad, kaya naman pinarusahan siya doon sa initan—at pagsasabi nito ay gawari hinanap si Ambo, n~guni't n~g tanawin ay wala na at sa hiya ay nagpatuloy na umuwi sa kanilang bahay. Namalayan n~ga't pinaghanapanan n~g lahat si Ambo ay wala n~ga sa bukid. Kaya sa maalaman ni Angue ay napaalam na sa lahat at tinunton ang pook na pinaroonan n~g kaniang asawa.

Noo'y hapon na; at ang lahat ay nag uwian sa kanikanila, na di magkangdadala n~g hunos, kaya n~ga ang m~ga bakol, o palanan nila'y puno n~g palay at ang m~ga tian ay puno din naman n~g ... han~gin sa katatawa kay matandang Tacio, at busog ang m~ga kaloobán sa m~ga na dinig na aral n~g sistidor na matanda.

Nagbago kaya si Ambo n~g gaiong ugali?--ang maitatanong n~g bumabasa.

Tayong lahat ay makasasagot. Makaaasa tayo sapagka't sawikain nating "sa tawo'y ang mukha ang hindi lamang nagbabago", n~gunit na dudun~gisang minsan minsan kaya minsan minsa'y kailangang humarap sa salamin n~g mabubuting aral at m~ga basahing makapagaagno sa magaling, upang sa m~ga yoon ay maisaayos ang m~ga kapakanan n~g ating sarili at n~g kalahatan sa kapakinaban~gan n~g boong katauhan.