Dumatíng si Juan kay Matandang Tacio at sinabi niang siay pinagtawanan n~g lahat.
--Ganoong n~ga. Itoy bago-bago ka pa! Huwag niong alumanahin ang anoman; sa magalit silat sa matwa ay gawin mo ang gagawin mong utos ko sa iyo!... Papaano ba ang oracion mo?--ang dugtong n~g matanda.
Dalakong tikoy at balatong
tunkos mungos talagang ubos.--ang
ulit ni Juan.
--Ah! tingnan mo, di mali ka!... Pagkaba nag kuláng ka n~g iisa man lamang letra eh!... di ... Sirâ ka na.
--Hindi po ba ganoon ang turo mo?
--Hindi;--Sinabi ko na n~ga't tila hindi ka maari, at sa unang lision lamang ay hindi ka naka lampás ... Bueno! mag pahin~ga;--at sa ulî ay iba naman ang gagawin natin.
At nag si pamahin~ga na n~ga silâ, palibhasa't malalim na ang gabí; n~guni't pinagbilinan muna.
--Sa Viernes, humanda ka Juan at kita'y susubuan n~g isang Anting na mabuti sa iyo..... Maliligo ka muna, sa ilog mag hilod na mabuti at ... bahala na.
--Opô, opô; ang tugon n~g kausap.
Patuloy ang panunuyo ni Juan sa mag asawa ni matandang Tacio.
Dumating ang Viernes. Madilim-dilim pa'y na ligô na n~ga si Juan, at pagkawi sa bahay ay nag lutô, nag haien, kumaen sila sampon n~g mag asawa. Kaguinsaguinsa'y isang babae ang na pa tawo sa hagdanan.
--Anó Angue?... at na parito ka?
--Dahil pô kay Ambo, ay ibig ko pong patingnan sa iyo.
--Oo; madali yoon, titingnan lamang pala eh ...!
--Ibig kó pong ipagamot sa iyo.
--At anó bang sinasakít?
--Walá pô;
--Walá palá'y bakit?
--Meroon pô;
--Na ano yoon?
--Hindi ko n~ga po maalaman.
--Baka pasmá?
--Baka n~ga po yoon ang pasma tabardillo.
--Hindi ka maalam mag salita! "Asno Tamardillo", ang tawag sa sakit na yoon baga ma't hindi ko pa nakikita.
--Ah!... asno tamardillo ... asno tamardillo ...!
--Oo pabayaan mo't ako'y mapapadaan n~gaion sa inio at kami ni Juan ay pasasaanihan. At ang babae'y namaalam na.
Gumayak na madalì ang dalawa ni Juan at ni Matandang Tacio, at halos ay inabutan pa n~ga nila ang tumawag na si Angue. Nanhik silang panabay at dinatnan n~ga namang si Ambo'y gugulong gulong sa sahig na anhin ang batang sangol. Pinulsuhan n~g matanda at iiling-iling na nagsabí.
Oh!--Di sinabi ko n~ga. Di tama n~ga Angue ..."Asno Tamardillo" n~ga itong asawa mo! Ha! Ha ha ... ha!--ang patawa n~g mangagamot.
--Hindi ba masakit ang ulo mo?--ang tuloy na tanong sa may sakit.
--Masakit n~ga pô.
--Ang tian, hindi ba parang walang laman?
--Ganoon n~ga po.
--Di ba ang ibig mo'y kain n~g kain ay ... wala ka namang ...?
--Sia n~ga po.
--Di ba ang ibig mo'y laging uminom ay?...
--Tila n~ga po.
--Di ba para kang hilo, walang maisipang gawin?
--Sia n~ga po!
--Ano!--ang badling na sabi kay Angue—di asno tamardillo n~ga ... sinapantahâ ko na n~ga. Ano bang gawâgawâ n~gaion n~g m~ga tawo dito sa iniong bandahing itó? mapa ibá ako, n~g usap.
Ah! marami po n~gaion ang anihin at nagkakalutlot ang palay.
--Ay sino sa inio ang nan~gan~ganihan?
--Wala po kundi akong saglitsaglit, dian lamang sa malapit; di n~ga po makaláyo'y itong si Ambo'y may sakit at may bata pa akong....
--Mahirap ano?... Marahil sa pagani sia na pasmá?--ang pasaring n~g kausap.
--Sia n~ga po;--ang tugon na lamang n~g mabait na si Angue na ikinakanlong ang ugali n~g asawa nia—Ay ano po kayang mabuti?--ang patuloy na tanong nia.
Ang matanda'y hindi nakasagot kaagad palibhasa'y inisip nia, na kung itóng aanihin na lamang at sukat, mabuti naman ang pahunusan ay kinatatamaran pa, ay ano pa n~ga kaya't di katamarán ang gawang mag bukid, at mag bugtá n~g lupâ na lalong mahirap kay sa umani, palibhasa'y nan~gan~gailan~gan n~g pagod, isipan at puhunan, ang pag bubukid na siang kauna-unahang batis n~g ikinabubuhay n~g m~ga tawo at n~g alin mang Bansa.
--Ay ano pong mabuti kay Ambo?--ang ulit na tanong ni Angue.
Kung makakaban~gon at makakalakad ay pasamahin mo sa amin ni Juan.
--Opô ...anó, Ambo; sasama ka?--ang badling n~g Angue sa kaniang may sakit, daw, na asawa.
--Kung ako'y gagamutin mo pô ay bakít ako ipagsasama—ang tanong naman n~g may sakit na talagang ayaw buman~gon.
--Kailan~gan sumama ka; at n~g pagtulò n~g gamot na ihahaplas ko sa batok mo't likod ay malamig lamig pang mapasakatawan mo ... Sumama ka't n~g ikaw ay madáling gumaling at n~g umabot ka n~g anihin, sayang ang palay at mapapásalupa lamang ay hindi mapakinaban~gan, tutukain lamang n~g m~ga ibong kung saan saan galing na m~ga pook.
--Ako po'y baka di makatagal ah!
--Bahala na, utay-utay ... banay banay tayong lalakad at nagkakataong dumarating tayo'y ...
Hindi sumasagot si Ambo; nag tindig na n~gang wari hahapayhapay, sa panglalatâ lamang n~g katawang kusang ayaw na igalaw, at n~gaio'y tatlo na silang lumalakad sa paroroonang anihan. Si Angue ay saka susunod kung maihabilin sa kalapit bahay ang kaniang m~ga anak na mumunti.
Dumating ang tatlo sa kamalig n~g anihan. Na tanaw nila ang maraming tawong sumasabukid na ang karamiha'y babaieng malalapad ang salakot at mapupulang kundiman at dinampol ang m~ga baro't saya kundiman kaya'y sadyang pinulahan.--Hindi na luatán at nagdatin~gan ang lahat na pawang may kanikanilang sunong na uhay n~g palay sa kanilang m~ga sisidlan. Nagkatipon sa kamalig na maluang din naman, ay pawang nagdaramdam kapaguran at init n~g namimitik na araw, nagbibigay n~g kasaganaan. Gaion din ang m~ga dalaga, na sa kanilang m~ga pisn~gí ay waring na nananalaytay ang dugong buhay n~g kasipagan, lalo na si Biang na anak n~g may bukid.
--Juan!... humanda ka't n~gaion kita bibigyan—ang pabulong ni Tandang Tacio kay Juan.
--Opo Lelong;
At magkakainan na ang lahat n~g kumuha n~g alak si Tininting Isiro at ipinanagay ni Biang na inuna n~gang tagayan si Matandang Tacio, si Juan at si Ambo.
--Totoong sistidor ang matandang Taciong yaan—ang sabi ni Tiningting Isiro sa isa niang kaharap. Makikita natin at hangang mamaya'y ... gagawa n~g sisté!
--Aba!...--ang pabiglâ n~g matanda sa kay Biang na tumatagay--
Ang unang tiro'y sa botillera
At ang ikalawa'y sa kastillero;
Huag kang magkakawikaan Ineng at talagang kalakarán—ang dugtong n~g matandà.
Ang dalaga'y tumatangui sana'y di naman na gawí na at una nan~gang uminom n~g isang tagay, na ipinamaalam, at saka panibagong sinidlan ang tagayanat inilapat sa matandà.
--Ako'y patawarin mo Ineng; at ako'y may na din~gig na isang awit kastila na ania'y,
_El dinero del sacristan
Cantando viene y cantando van._
Samakatawid ko baga Neneng, kung tatagaluguin ko sa sarili lamang ay.
Ang tuba daw sa karitan
ay di tutulo kundi pan~gulukatikan.
Ang ibig sabihin ay iawit mo!...ang sabihang pabiglâ n~g m~ga nanonood; kaya n~ga naman ang dalaga ay umawit n~g ganito na tan~gan ang tagayan; na sinaliwan n~g tugtog n~g biguela n~g isang binata.
Utos ng matanda'y Mahalay di sundin Kinabubusun~gan Batang paris ko din Larán-larán larin larin larán Larán larán larin larin larán...
......................At pagka ikot n~g umaawit ay hinarap ang matanda at dinugtong.
Kaya n~ga:
Inom na, inom na't Sa kamay ko galing Sukdang ito'y laso'y Di ka na tatalbín... Laran laran larin.
Ehoy!... Ehoy ...! ang sigawan n~g marami. At saka inilapit sa matanda, upang ipainom.
--Dalawa ineng, itong aking kasama ay pumili ka, n~g makakahalig sa akin,--at itinuro ang magkasigbay na si Juan at si Ambo.--Sapagka't totoong masama sa aking n~gaion ang alak, linisan ko na ang malabis na pag inóm dahil sa ako'y nagkakasakít kung ako man lamang ay makaamoy. Uminom ako n~g alak kung kagamutan at kung kailan~gan lamang, n~guni't hindi ako naglalan~gó, sapagka't nakita ko na ang kapagitan n~g ugaling paglalan~gó, at di ko na sabihin pa sa iyo.
Sia n~ga; sia n~ga, ang payo n~g Isiro si pareng Tacio ay sasakupin ni pareng Juan. Kaya iniliwat kay Juan na kasigbay n~g Tacio.
...Prrrf!.... Prrf!... Prrrf!.... at na laguinlin ang m~ga nanonood sa bandang yoon sapagka't biglang ibinuga ni Juan sa mukha ni Ambo ang alak na kaniang ininom na anhin mo ang nagbubuga sa mukha n~g manok, na sasabun~guin. At bakit kaya? Walang makasabi n~g tiak, dapua't waring nagkakaisa ang lahat na dahil daw sa na lagyan n~g sileng pacite ang tagay na yoon. Sa ganito n~gay na sunod ang sabi ni Tingting Isiro. Sistidor n~ga si Matandang Tacio!
Nag kainan na ang lahat pagkatapus n~g paghihinumó n~g tawanan n~g lahat.
Bagama't na hanghan~gan n~g sile si Juan ay nag papa walang anoman, n~guni't hianghia sa m~ga dalaga, sapagka't naguing parang sagâ ang mukhâ, at gaion din ang m~ga mata nia.
Natapus ang kainan; n~guni't nabigò ang m~ga naghihintay na mag sisté pa uli sa pagkain ang matandang Tacio. Hindi n~ga nia guinawà ang gayon at ania'y hindi dapat na sa loob n~g panahón n~g pagkain ay magkatawanang lubha sapagka't malaki aniang kalapastan~ganan sa gracia at biayá n~g Dios, at isa pa'y hindi nakatutunaw n~g kinain, kung baga ma'y pagkatapus n~g pag kain.