Dumating ang gabí.--Bagama't pusikit ang dilím ay madali niang na tanáw ang punò n~g kamatsileng maalitaptáp. Pumatók ang "animas"; tumakbó na sia't yumapós sa punong yoon, kumagát sia't na ka tipák n~g pitó; binalot na nia't inuwi sa bahay, anopa't na ganáp ang m~ga bilin n~g matandâ, bago natapus ang patók na hulí.
--Magaling na batà!...--ang salubong na sabi n~g dinatnán—N~gaion din ay isubò mo ang m~ga tipák na iyán at pumaroon ka sa bahay ni Kumpareng Kulás, at makikita mo ang lahat ay hindî ka namán makikita, nino man. Samakatuwíd ay nataguibulag mo silá, sabáy mo namang sasabihíng malakas ang oraciong itó:
Saratum, ticom, balakum,
tukos, mukos, talagum, ibom.
--Ano pong oracion yaan?--ani Juan.
--Yaan ang oracion sa pitong Arkanhel.
At madaling sinaulo ni Juan ang oracion yoon, at di na n~ga pinapagbihis n~g matandà sapagka't di na makikita't madirinig di kunó ninoman, na itó n~ga namán ang inasahan ni Juan.
Halos manakbó-nakbó sia ay dumating n~ga sa bahay n~g Kulás, na doon palá nama'y maraming tawo sapagka't kasalan sa isang anak nitó. Na sa trankahang pa'y isinubó na ang tagláy at saka dinalit na ulitulit n~g malakas ang oracion:
Dalakong tikoy balatong
tunkos mungos talagang ibús.
............................N~guni't
Oh!....ang pagkamanhâ n~g m~ga dalaga na siang pinagtuluyang inumpukan ni Juan sa pagkaupô, na ang makapiling n~ga nia'y pilit umiilag. Ang palagay n~g lahat ay ul-ol ang dumating, n~guni't ang palagay naman n~g Kapatid na lalaki n~g ikakasal na dalaga ay nag uulol ululan lamang, kaya galit na galit, at kundi n~ga napagpayó ay marahil nasaktan sana na walang pagsala ang atin n~gang si Juan, sapagkat ipinalagay pa linilibak ang kapatid niang may bulutong n~ga naman bukod pa sa malapad ang mukhâ na anhin n~ga ang tikoy n~g insik. Pagdakay linapitan n~g isá sa m~ga doroon at mahinahong pinakiusapang magbihis muna at saka bumalik.
--Ata makíc po ma ako ma mimihî pa?--ani Juan, na n~gamol umusap dahil n~ga sa subo.
--Sapagkat ang damit moy pulos na putik, ay napapagtawanan ka n~g tawot kahiahia ka pa sa m~ga dalaga.
At pulos tubog n~ga naman n~g makita niat mamasdan ang kaniang damit sa katawan, kaya hianghiâ siang umalis na, diman nakuhang namaalam kaninoman. Ang puno paláng kaniang kínagatan ay datihang kuskusan n~g m~ga kalabaw na sa malapit dooy nanunubog araw araw.
Nanaog na n~ga si Juan na lubhang pinagtanawan n~g lahat na siang nakaaliw sa m~ga nagkakan~gay, pati ina n~g dalagay na patawa na, bagamat lubhang nahahapis na di man makakain símula n~g mag suguan sa kaníang anak.