Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting · José R. Francia

Chapter 2: Kabanata 2

Lumipas ang ilang araw.

Minsang gabí, pagkatapus makapagluto si Juan n~g kanilang hapunan ay tinawag n~g matanda at pinagsabihan.

--N~gayon ay huwag káng kakain n~g hapunan, at hindi pa tumutugtog ang "animas" ay pumaroon ka na sa bakuran. Pag patók n~g kampanà ay sabay kang mag tatakbó at yumapós ka sa punò n~g kamatsileng maalitatáp; at ikinatnig ang punong yaon; kumagat káng makakaha n~g pitóng tilád n~g balát bago matapos ang tugtóg, balutin mong magaling sa isang bagong paniong putî at saka mag tatakbóng walang lin~gon hangan dito. Huwag káng paabot sa huling patók n~g kampanà, sapagka't may mangyayari!

--Na anó po?...ang pagdáka'y tanong ni Juan.

--Kapag inabot ka n~g katapusang patók, ay katapusan mo namán, at ...

--Bakit po?

--Sapagka't darating doon ang isang malaking tawo na yayapos sa iyo na sasakalin ka't ipaghahaguisan n~g lubhang matayog hangang sa di ka mamatáy.

Si Jua'y hindî nagsalitâ, n~guni't di naman munti man na takot sa m~ga hulíng sinabi n~g matandâ. Binuó nia ang kaniang loob at lumaang gawin ang m~ga iniatas n~g matanda masunód lamang matamó ang kaniang pita.