Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting · José R. Francia

Chapter 1: Kabanata 1

Noon ay panahong lumipas, n~guni't hangan n~gaio'y naaalaala pa n~g marami sa atin, na, si Juan Hanipol ay isang binatang may hilig na totoo sa pag anting anting.

Si matandang Taciong Kabál ó Bakal ay isang magaling na lalaki, at balitang tulisan noong m~ga dakódakong panahon, n~guni't matagaltagal nang na nanahimik at bagama't matanda na'y nagsasaka pa sa kaniang bukid. N~gaion ay kilalá sia sa pook na yaon, na isang matandang masipag at sistidor, kaya kung tawagin ay si Matandang Taciong Sistidor.

Minsang araw ay nag sadya sa bahay nia si Juang Hanipol, ang binatang nag hahanap n~g galing ó anting-anting.

--Ako po Lelong ay naparito, na ang tanka ko'y mag puló n~g kaunting kasangkapang mabuti sa katawan.

--Anong ibig mong kasangkapan?

--Ang ibig ko po'y ...yaon po bang kung ako halimbawa'y may masasalubong sa daan ay huwag akong makita.

Pinag masdán ang kausap buhat, sa ulo hanggan paa samantalang isinubô ang binayong itsó sa kaniang kalikot, at tinapik sa balikat at sinagot:

--Ako bata'y hindi na nag iin~gin~gat nian at kita mo, na ako'y matanda na: n~guni't kung ikaw ay matitirá dito sa aking bahay hangang ako'y mamatay ay pamamanahin kita, sakali't maglinkod ka n~g tapat sa aming mag asawa. Kita mong kami ay walang anak na isa man lamang.

--Kung iyon po lamang Lelong, ay pabayaan ninio't pag sisilbihan ko kayong parang magulang, lalo't ako'y hindi po naman nakakilala n~g ama't ina at n~g maewan po ako'y musmos pang lubha!

--Wala ka bang m~ga kapatid?

--Wala din po.

--Sus, di magaling: anó, titirá ka na?

--Opo, titirá na ako.

--N~guni't ...tíla hindî ka dapat mag-in~gat n~g m~ga kabulaanang yaon at baka ikaw ay mapahamak, bata ka pa; gaion man ay aatuhan kita.

Sa madaling sabi, natirá na n~ga doon si Juan, at mula noo'y ang panunuyó ang siyang guinamit, anopa't ginawa niyang lahat ang anoman sa loob at labas n~g bahay.