Ang Mananayaw · Rosauro Almario

Chapter 1: Simula

Pati: Mánanayaw. Alan~ganing tindíg; ni mababà ni mataas; katawáng malusóg, makatás, sariwà; m~ga matáng malalaki't bugháw, dalawáng bintanàng pinanúnun~gawan n~g isáng káluluwáng nag-iinit, nag-aalab sa nin~gas n~g apóy n~g isáng damdaming batis na dinádaluyan n~g alíw, alíw n~g sandalî na nakalúlunod, nakaíinís at nakamámatáy sa bawà't káluluwáng maligò sa kanyá.

Sawî: Túbong lalawigan, binatàng nag-aaral sa Maynilà. Buhat sa mabuting lipì, angkán n~g m~ga mayaman, si Sawî ay isáng binatàng lumakí sa lilim n~g pananaganà: kimî, mahihiyâin, ugalìng babae, si Sawî ay hindî kaparis n~g m~ga binatàng walâng ibáng minimithîmithi kundî ang mátulad sa isáng paróparó, sa isáng bubuyog, na tuwîna'y hanap ang m~ga bulaklák, upáng simsimín ang kaniláng ban~gó,

Tamád: Isáng hampás-lupà, isáng hampas-bató, na gaya n~g tawag sa kanyá n~g madlâ. Ulila sa amá't ulila, sa iná. Walâng asawa, ni anák, ni kapatid, ni kamaganakan kungdî ... si «Ligaya»; ligayang pará sa kanyá'y hindî natatagpô sa alín mang dako, sa alín mang poók, máliban sa m~ga bilyar, sabun~gán, pangginggihan, bahay-sáyawan at m~ga bun~gan~gà n~g impierno na sa bálana'y laging nakaumang.

--Tamád, ¿kumusta ang ibon?

--Mabuti, Pati, maamò na n~gayón.

--¿Handâng pumasok sa kulun~gán?

--¡Oh, walâng pagsalang hindî siyá pápasok!

--¿Anó ang sabisabi niyá sa iyó tungkól sa akin?

Paris din n~g m~ga unang salitâ na náiukol ko sa iyó nang tayo'y unang magkátagpô sa isáng handáan: na, ikáw ay magandáng katulad ni Venus, paris n~g Talà sa umaga. ¡Umiibig na sa iyó! Maáasahang siyá'y bihag mo na....

Binuksán ni Pati ang kanyáng dalawáng labì na nagpúpulahan upáng paraanín ang isáng matunóg na halakhák.

--Con qué, umiibig na sa akin, há?

--At pagháhanapin ka mámayâ.

--¿Saán? ¿saan mo akó itinurò?

--Sa bahay-sáyawan.

--Sa makatwíd palá ay nálalaman nang akó'y mánanayaw? ¿at anó ang sabi sa iyó? ¿hindî ba niyá nábabasa ang m~ga páhayagáng, hindî miminsan at mámakalawáng nagsásabog diyán n~g m~ga balitàng diumanó'y hindî m~ga babae ang m~ga mánanayaw sa «suscrición» kundî isáng tungkós na m~ga talimusák?

--Medio ... medio sinabi niyá sa akin ang ganyán; n~gunì't tinugón ko siyáng ang gayóng balità'y mangyáyaring magkátotoó, kung minsán, at mangyayari rin namáng hindî, «Si Pati»--ang wikà ko sa kanyá,--«iyóng dalagang ipinakilala ko sa iyó sa handâang dinaluhán natin ay isáng matibay na saksí n~g katotohanang ang isáng magandáng perlas ay mangyáyaring mápaliblíb sa gitnâ n~g burak....»

At tumigil sandalî ang nagsásalita upáng lumagók n~g laway at magpatuloy, pagkatapos, sa m~ga ganitóng pan~gun~gusap:

--At si Sawî (ang ibong pinagúusapan nilá)--ay naniwalà namáng ikáw ay isáng «magandáng perlas», isáng dalagang mahinhín, may puri, maran~gal....

--¿At hindî na itinanóng kung bakit akó nápapasok sa bahay-sáyawan?

--Itinanóng ¿bakit hindî? n~gunì't ang dilà ni Tamád, ang dilà n~g bugaw mong si Tamád, ay nang m~ga sandalîng yaó'y lumikhâ n~g m~ga pan~garap na sa kanyáng bibíg ay larawang mistulà n~g katotohanan, katotohanang nákita, sinaksihán n~g kanyáng tin~gín. At sinabi ko sa kanyáng hálos maagnás ang luhà ko: ¡Oh, Sawî, kung nálalaman mo ang buông kasaysayan ni Pati, n~g magandáng Pati, na hináhan~gàan mo n~gayón, ay dî sásalang siyá'y málalarawan sa m~ga balintatáw n~g m~ga matá mo na katulad n~g isáng banál na babae, n~g isáng ulirán n~g kadalagahan. Pagkâ't siyá, ang habol ko pa, ay isáng ulilàng dumanas n~g dî gágaanong kasawîan sa buhay, nagíng magpapalimos, nagíng manghihin~gì, at nang ayaw nang lawitán n~g awà n~g m~ga tinátawagan ay napilitang pumasok na alilà, ipinagbilí ang lakás sa isáng mayaman ... dapuwà't....

--¿Anó pa?

--Ang mayaman, ang dugtong ko, sa haráp n~g walâng kaagáw na dilág ni Pati, ay nagnasàng paslan~gín ang kanyáng dan~gál.

--¡Paslan~gín! Mainam kang magtátatahítahî n~g kasinun~galin~gan. ¿At anó pa ang aking ginawâ?

--Na ikáw ay tumutol sa gayóng karumíng adhikâ.

--¿At pagkatapos?

--Nilisan mo ang bahay na pinaglílingkurán upáng pumasok sa pagkamánanayaw.

--Samakatwíd, ang tapos ni Pati, pará kay Sawî, akó'y isáng banál na babae, isáng ulilànginapí n~g Palad, nagíng magpapalimos, manghihin~gì, alilà, alipin, sa madalîng sabi; at dahil sa pagtatanggól n~g puri ko'y iniwan ang bahay n~g mayaman, upáng pumasok ... ¿gayón n~ga ba?

--Ganiyán n~ga.

¡Oh, kung ipinahintulot n~g Dios na ang m~ga kasinun~galin~gan, bago makalabás sa bibíg n~g m~ga nagsísinun~galíng, ay magíng apóy muna...!

Si Pati, pará sa ating nakakakilala sa kanyá, ay isáng isdâng kapak, na sa labás ay walâng ibáng ipinatátanáw kundî ang kintáb n~g kaliskís, bago sa loób ay walâng ibáng madádamá kundî ang mabahòng burak. Siyá'y hindî lamang kirí, hindî lamang salawahan; higít sa kirí't salawahan, si Páti ay isáng tunay na salarín, isáng mangbibitay n~g m~ga káluluwáng nahúhulog sa kanyáng kandun~gan.

Batà pa lamang, hálos bagong sumísiból pa lamang, si Pati'y pinagkatakután na n~g m~ga binatà sa kaniláng pook. ¡Bakit hindî, sa, bálana'y sinagután n~g óo, bálana'y pinan~gakuan, bálana'y sinumpâan; m~ga pan~gakò at sumpâng bawà't isá'y pinatítibayan sa pamamagitan n~g isáng sanlâ, n~g isáng lágak, na hindî na mabábawì kailán man!

N~gunì't ... nagsasalitâ na namán si Tamád; pakinggán natin:

--Pati—aniya—mamayâ'y hindî sásalang dádalhín ko sa iyó ang ibon.

--Dáratíng kayóng handâ na ang haula.

At naghiwaláy ang dalawá.